Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 5/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Dapat ba Akong Maglaro ng mga Laro sa Computer o Video?
    Gumising!—1996
  • Nanganganib ba ang mga Naglalaro?
    Gumising!—2002
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 5/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Laro sa Computer Ako’y 15 taóng gulang, at ibig ko kayong pasalamatan sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dapat ba Akong Maglaro ng mga Laro sa Computer o Video?” (Agosto 22, 1996) Talagang ipinakita nito ang masamang bahagi ng mga larong iyon, at matutulungan nito ang mga Kristiyano na timbangin ang positibo at negatibong mga salik ng paglalaro ng mga ito.

F. R., Indonesia

Ako’y 17 taóng gulang, at dati-rati’y napakahilig ko sa mararahas na laro sa computer. Akala ko ay hindi nakaaapekto sa akin ang mga ito, subalit narahuyo ako nang husto sa mga larong ito​—lalo na ang marahas na uri na inilarawan ninyo. Ngayon ay sinira ko ang lahat ng aking mga computer disk na may kaugnayan sa karahasan at dugo. Ang resulta? Mas mabuti ang pakiramdam ko, at mas marami akong oras sa pag-aaral, pagkatuto, at pakikipag-usap tungkol sa Diyos na Jehova.

S. A., Gresya

Pagkadonselya Salamat sa inyong maikli subalit magandang artikulong pinamagatang “Pagkadonselya​—Bakit?” (Agosto 22, 1996) Sa ating makabagong panahon na ang mga tao’y nag-iisip na napakasama para piliin mong maging donselya, totoong nakapagpapatibay-loob na makita ang magagandang kabataan na nagtataguyod ng mga pamantayan ni Jehova. Salamat muli!

R. D., Estados Unidos

Mga Amerikanong Indian Ibig kong ipahayag ang aking pagpapahalaga sa seryeng “Mga Amerikanong Indian​—Anong Kinabukasan ang Naghihintay sa Kanila?” (Setyembre 8, 1996) Binasa ko nang husto ang mga artikulo at babasahin ko itong muli. Ang bahagi tungkol sa pagkabuhay-muli ay talagang nakaantig sa akin.

S. B., Italya

Naantig ang damdamin ko ng mga artikulong ito na hindi ko nadama sa ibang nabasa ko. Natulungan ako nitong matanto na ang aking pangmalas sa mga Indian ay may pagtatangi pala at hindi kasuwato ng mga simulain ng Diyos. Sapol nang ako’y nag-aaral, taglay ko ang pangmalas na ang Indian ay basta mga malupit at hindi sibilisadong tao. Ang mga aklat sa kasaysayan ay hindi nakapagbigay sa amin ng maliwanag na pangmalas tungkol sa daigdig na nakapaligid sa atin. Natulungan ako ng inyong mga artikulo na maunawaan ang kaawa-awang kalagayan ng Katutubong mga Amerikano​—isa pang halimbawa ng ‘pagdodomina ng tao sa kaniyang kapuwa sa kaniyang ikapipinsala.’​—Eclesiastes 8:9.

M. M., Estados Unidos

Bilang isang inapo ng mga Katutubong Amerikano, binasa ko ang inyong mga artikulo taglay ang malaking katuwaan. Napaiyak ako nang aking mabasa ang paghihirap na tiniis ng mga tao na may gayong pag-ibig sa paglalang. Gayon na lamang ang aking pag-asam sa araw kapag lubusang babaguhin ng Diyos ang di-makatarungang mga ginawa sa buong sangkatauhan at kapag magkakasama na tayo sa paraisong lupa.

N. S., Estados Unidos

Pompeii Kamakailan ay nabasa ko at totoong nasiyahan ako sa inyong artikulong “Pompeii​—Kung Saan Tumigil ang Panahon.” (Setyembre 8, 1996) Para bang ako’y naroroon mismo! Subalit ibig kong liwanagin ang isang punto. Sinabi ng artikulo na “mapapansin pa rin [ng sinumang dumadalaw sa Pompeii] ang mga gilingan ng mais.” Ituwid ninyo ako kung ako’y mali, subalit hindi ba ang mais ay butil ng mga katutubo sa kontinente ng Amerika na hindi alam ng mga Europeo hanggang noong mga kaarawan ni Christopher Columbus?

R. D., Estados Unidos

Ipagpaumanhin ninyo kung kami’y nakagawa ng kalituhan sa bagay na ito. Mas makabubuti kung sinabi na ang mga gilingan para sa paggiling ng mga “butil” ay makikita roon. Kapansin-pansin naman, ang salitang Ingles para sa “mais” ay maaaring mangahulugan ng “mga binhi ng bungang-butil,” gaya ng trigo o oat.​—ED.

Sapol nang aking pagkabata ay mahilig na ako sa sinaunang kasaysayan. Lalo na akong nabibighani sa kasaysayan ng Pompeii. Nang mabasa ko ang artikulo, nadama ko na para bang ako’y naglalakbay sa buong lunsod. Napakahusay! Nalaman ko ang maraming detalyeng bagay na bago sa akin. Nagustuhan ko rin ang paghahambing na ginawa sa panahon ng katapusan ng ating panahon. Salamat sa pagtulong ninyo sa akin na malaman ang mga lugar na hindi ko mapuntahan.

J. S. A., Brazil

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share