Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 6/22 p. 31
  • “Buksan Mo Lamang ang Iyong Mata at Tingnan”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Buksan Mo Lamang ang Iyong Mata at Tingnan”
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Aklat ng Bibliya Bilang 29—Joel
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Pinatatag ng mga Pagsubok ang Aming Tiwala kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Kunin Bilang Parisan ang mga Propeta—Si Joel
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Introduksiyon sa Joel
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 6/22 p. 31

“Buksan Mo Lamang ang Iyong Mata at Tingnan”

ANO ang nakikita ng inyong mga anak? Digmaan? Krimen? Polusyon? Karukhaan? Sakit? Totoo, ito ang kasalukuyang katotohanan. Subalit itinuro mo ba sa kanila na tumingin sa kabila pa ng mga bagay na ito sa magandang kinabukasan na ipinangako sa Bibliya? Ganiyan ang ginawa ng mga magulang ng siyam-na-taóng-gulang na si Joel Pierson. Ano ang resulta?

Isaalang-alang kung ano ang isinulat ni Joel sa paksang “Buksan Mo Lamang ang Iyong Mata at Tingnan.” Ang paksang ito ay ibinigay bilang isang takdang-aralin sa pagsulat para sa mga kabataan sa isang pandistritong paaralan sa Virginia, E.U.A. Pansinin kung paano ipinakikita ng sanaysay ni Joel, na inilathala sa pahayagang The Central Virginian, Agosto 22, 1996, na ang kaniyang pag-asa ay nakasalig sa kung ano ang kaniyang natutuhan mula sa Salita ng Diyos. Ganito ang kaniyang isinulat:

“Buksan mo lamang ang iyong mata at tingnan, ang lahat ng kagandahan na sadyang ginawa.

“Hindi ba’t napakagandang gumising isang umaga at mabalitaan na wala nang polusyon? Sa halip na patayan at krimen ang maririnig sa mga balita, magkakaroon ng kapayapaan at kaligayahan sa buhay ng mga tao.

“Ang magkakapit-bahay ay sama-samang gumagawa upang tulungang magtayo ng bahay ang isang kaibigan. Sa malapit na lugar, makikita naman ang iba na naghahardin. Hindi lamang ito, kundi ang kanilang saloobin ay busilak din naman. Ang lahat ay bakas-bakas upang magtulungan sa isa’t isa. Wala nang mahihirap na tao, at magkakaroon ng saganang pagkain sa lahat ng lugar. Magkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong mundo. Wala nang sinuman ang magugutom o magkakasakit muli. Napakaganda ng kapaligiran para pagmasdan ng lahat at tingnan mo, nakasakay ang isang bata sa isang tigre! Hindi lamang ang tigre kundi ang lahat ng hayop ay nakikipagpayapaan sa mga tao.

“Ibig kong tumira sa isang lugar na tulad niyan. Ibig mo bang mabuhay roon na kasama ko?”

Talaga bang ipinangako ng Diyos ang gayong mga pagpapala gaya ng inilarawan ni Joel? Oo, talagang ipinangako niya! Pakisuyong buksan ang inyong Bibliya at basahin ang tungkol sa gayong mga pangako gaya ng masusumpungan sa Awit 46:8, 9; 67:6; 72:16; Isaias 2:3, 4; 11:6-9; 33:24; 65:17-25; Mateo 6:9, 10; 2 Pedro 3:13; Apocalipsis 21:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share