Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 7/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • “Sickle-Cell Anemia”—Kaalaman ang Pinakamainam na Depensa
    Gumising!—1996
  • Anemia—Mga Dahilan, Sintomas, at Paggamot
    Iba Pang Paksa
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 7/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pananagutan Salamat sa kahanga-hangang serye na “Mananagot ba Tayo sa Ating mga Kilos?” (Setyembre 22, 1996) Nasumpungan ko na totoong mabisa ang mga artikulong ito sa pagpapasimula ng mabuting pakikipag-usap sa mga abogado, mga ahente ng seguro, mga negosyante, tagapaglathala, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at sa iba na aking nakausap sa lugar ng negosyo sa aming lunsod. Ipinakita ko sa isang opisyal sa pagparada sa lunsod ang artikulong “Hindi ko Kasalanan Ito.” Inagaw niya ang babasahin sa aking kamay, na nagsabing “kakaunti nang tao ang umaamin mismo sa kanilang mga pagkakamali.” Sinabi niya na ibig niyang mabasa ito ng lahat ng kawani.

B. S., Estados Unidos

Pagsasaya Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ako Magsasayá?” (Setyembre 22, 1996) Ako’y 15 taóng gulang, at maraming kabataan sa aming kongregasyon. Malimit na magkakasama kaming gumawa ng mga bagay-bagay. Halimbawa, kami’y nangangaral sa umaga at pagkatapos magsisipaglangoy kami sa hapon. Napakasaya nito! Kung minsan ang iba sa aming kongregasyon ay sumasama. At nakaluluwag ng dibdib ito sa aming mga magulang na malaman na mabuti ang aming mga kasama.

I. W., Alemanya

“Sickle-Cell Anemia” Binasa ko at muling binasa ang artikulong “Sickle-Cell Anemia​—Kaalaman ang Pinakamainam na Depensa.” (Oktubre 8, 1996) Inilarawan nito ang aking kalagayan! Pinagtiisan ko ang sakit na ito sa loob ng 18 taon na ngayon. Napaluha ako habang aking binabasa ito. Maligaya ako na makita na isinasaisip ninyo ang mga taong pinahihirapan ng sakit na ito.

R. S., Italya

Ako’y may sickle-cell anemia. Hindi ko alam na marami rin pala ang mayroon nito. Natulungan ako ng artikulo na maunawaan kung bakit may nararamdaman akong kirot at kung gaano kahalaga ang pag-inom ng maraming likido. Binigyan ni inay ng mga kopya ng artikulo ang aking mga guro upang kanilang maunawaan ang aking sakit.

A. H., Estados Unidos

Namatay ang aking nakababatang kapatid na lalaki dahil sa sickle-cell anemia. Sa Nigeria, 60,000 katao ang namamatay taun-taon dahil dito. Kaya natalakay nang husto ng artikulo ang tunay na problema. Dapat na mabasa ng bawat pamilya sa Nigeria ang artikulong ito. Ito’y nakapagtuturo at isinulat sa bagong anggulo.

F. A., Nigeria

Hindi ko mapigilan na sabihin ang aking nadarama tungkol sa artikulong sickle-cell anemia. Pinagtitiisan ko ang sakit na ito sa loob ng 26 na taon na ngayon nang walang impormasyon hinggil dito. Maraming salamat para sa bagay na ito.

D. C., Zambia

Pag-ibig na Nagbubuklod Ibig ko kayong pasalamatan, mahal na mga kapatid, dahil sa paglalathala ng artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Ang Pag-ibig na Nagbubuklod.” (Oktubre 8, 1996) Nakaharap ko ang napakaraming pagsubok sa aking pananampalataya sa loob ng mga taon, kasali na ang pagkamatay ng aking mga magulang. Subalit ang pinakamahirap na pagsubok na aking naranasan kailanman ay nagmula sa isang tao sa loob ng kongregasyon. Ang artikulong ito ay nagbigay sa akin ng lakas at kaaliwan, yamang nauunawaan ko na alam ito ni Jehova at nauunawaan niya ang aking pagluha at ang sakit at kirot na aking nadarama sa aking puso. Natutuhan ko na maging si apostol Pablo ay nakaranas ng gayunding kirot ng dibdib. Ako’y nagtitiwala na sa darating na panahon ay paghihilumin ni Jehova ang aking mga sugat.

S. B., Canada

Sa balakyot na sanlibutang ito, napakadaling maiwala ang pagtutuon ng pansin sa espirituwal na mga bagay. Ang artikulo ay totoong nakapagpapatibay ng loob at nagpasigla sa akin. Kamakailan, talagang nabalisa ako dahil sa pang-araw-araw na kaigtingan sa buhay. Nakatulong sa akin ang artikulong ito na pasalamatan ang kahalagahan ng pagkaumaasa sa pag-ibig ni Jesus, sa halip na sa ating di-sakdal na emosyon.

A. M., Estados Unidos

Ako’y nakaranas ng panlulumo dahil sa hindi timbang na kemikal sa katawan. Natulungan ako ng artikulo na makabangon mula sa aking panlulumo.

B. U., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share