Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 8/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkamatay sa Batang Edad
  • Mga Impeksiyon na Dala ng Pagkain
  • “Banal” na mga Unggoy ​—Isang Problema
  • Napakasikip?
  • Paghuli sa “Di-Kilalang mga Kaaway”
  • Tagapagbantay ng Ostiya
  • “Flashback” ng Video
  • Papel Mula sa Dumi ng Elepante
  • Mga Ritwal sa Pagkain
  • Hindi Magastos na Pag-iingat sa Kolera
  • Ang Hilig ng Amerika sa mga Baril
  • Binago Ka ba ng Telebisyon?
    Gumising!—1991
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1995
  • Ang Misteryo ng mga Unggoy sa Batong-Bundok
    Gumising!—2008
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 8/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Pagkamatay sa Batang Edad

Kung ihahambing sa mga bata sa 25 iba pang industriyalisadong mga bansa, ang mga bata sa Estados Unidos ay 12 ulit na mas malamang na mamatay dahil sa baril, 5 ulit na mas malamang na maging mga biktima ng homicide, at dalawang ulit na mas malamang na magpatiwakal, ang ulat ng The Dallas Morning News. “Inaasahan namin na mas mataas ang bilang sa E.U., subalit ikinagulat namin ang napakalaking diperensiya,” ang sabi ni Etienne Krug, coordinator ng ulat para sa Centers for Disease Control sa Atlanta, Georgia. Kabilang sa mga salik na kaugnay sa marahas na kamatayan ng mga bata ang droga, karukhaan, wasak na mga pamilya, at limitadong mga pagkakataon para sa edukasyon.

Mga Impeksiyon na Dala ng Pagkain

Ang dumaraming pangangailangan ng mga mamimili para sa “sari-saring sariwang mga ani sa buong taon” kasama pa ng “pangglobong pagbebenta na makapaghahatid ng mga produkto sa palibot ng daigdig sa magdamag” ang sanhi ng paglitaw ng bagong mga sakit na dala ng pagkain sa Estados Unidos, ang ulat ng JAMA (The Journal of the American Medical Association). Salig sa mga pagsusuring isinagawa sa mahigit na sampung taon, tinataya ng mga siyentipiko na ang mga mikrobyong nasa pagkain ay “nagdulot ng sakit sa mga tao na mula sa 6.5 milyon hanggang 81 milyon ang bilang at pumapatay sa halos 9000 sa Estados Unidos taun-taon.” Ipinalalagay rin ng mga eksperto na ang dumaraming pagkain ng mga pagkaing pinatutubo sa pamamagitan ng organikong mga elemento (mga pagkaing dumi ng hayop ang ipinang-abono) ay maaaring sanhi ng problema. Ayon sa ulat ng JAMA, “ang E coli ay mabubuhay sa dumi ng baka sa loob ng 70 araw at makapagpaparami sa mga pagkaing itinanim ng may dumi, maliban na gamitin ang init o mga additive gaya ng asin o mga preserbatibo upang patayin ang mga mikrobyo.”

“Banal” na mga Unggoy ​—Isang Problema

Ang mga rhesus monkey ay nakatira sa Vrindavan, India, gaya ng matatandaan ng sinuman, ang sabi ng dalubhasa sa pag-aaral ng mga primate na si Iqbal Malik. Itinuturing ng marami ang mga unggoy na banal at malaya ang mga ito na gumala sa banal na lunsod ng Hindu nang hindi natatakot na mahuli​—hanggang sa ngayon. Ayon sa magasing New Scientist, tumaas ang bilang ng rhesus sa nagdaang mga taon sapagkat ang bilang ng mga peregrino na nagpapakain sa mga ito ay dumami. Ang pagpapakain ng mga unggoy ay ipinalalagay na nagdudulot ng kasaganaan. Gayunman, sa loob ng mga taon, ang mga unggoy ay halos lubusang dumedepende sa mga ibinibigay na pagkain sapagkat kakaunti ang pananim. “Nagnanakaw na ang mga ito sa mga bag at pumapasok sa mga bahay na naghahanap ng makakain.” Sumang-ayon ang mga residente na ang kasindami ng 60 porsiyento ng populasyon ng unggoy ay hulihin at ilipat ng lugar sa mga lalawigan. Ganito ang sabi ni Malik: “Ang mga diyos ay naging mga peste na.”

Napakasikip?

Bagaman ang mga buto sa ating paa ay humihinto sa paglaki sa dakong huli ng pagbibinata at pagdadalaga, ang ating mga paa ay patuloy na nagbabago sa buong buhay natin. Ganito ang sabi ni Neil Koven, pangulo ng Canadian Podiatric Medicine Association: “Habang tayo’y nagkakaedad, ang ating mga paa ay lumalapat nang kaunti at bumubuka anupat ang mga ito’y humahaba at lumalapad. Ito’y sa dahilang ang ating mga litid ay unti-unting nagiging maluwag o nagkakahiwa-hiwalay na.” Tinataya ng mga dalubhasa sa sapin sa paa na hanggang kalahati ng mga adulto ang nagsusuot ng maling sukat ng mga sapatos​—pinakakaraniwang problema ang lapad​—na nagiging sanhi ng kalyo, lipak, bukol sa paa, at pagkadisporma ng daliri sa paa. Napakasikip ba ng iyong mga sapatos? “Tumayo sa isang piraso ng papel nang nakayapak at bakatin ang dalawang paa. Pagkatapos ay ilagay ang iyong mga sapatos sa ibabaw ng papel at bakatin ang mga ito. Sa pamamagitan ng paghahambing sa mga guhit, makikita kung gaano mo naiipit ang iyong mga paa sa sapatos,” ang sabi ng pahayagang The Toronto Star. Para maging hustung-husto ang sukat ng sapatos, sukatin ang iyong mga paa tuwing bibili ka ng sapatos, at bumili sa hapon o sa gabi pagkatapos na mailakad nang husto ang iyong mga paa.

Paghuli sa “Di-Kilalang mga Kaaway”

Noong 1997, ang mga alerdyi o hay fever ay nagpasimula nang dalawang buwan ang kaagahan kaysa karaniwan para sa mga taong nakatira sa Roma, Italya, ang sabi ng Corriere della Sera. Ipinalagay ng isang espesyalista sa alerdyi na ang maagang paghugos ng polen ay sanhi ng “pangkalahatang pagtindi ng karaniwang temperatura ng planeta, na kapansin-pansing bumawas sa haba ng taglamig.” Sinabi ng pahayagan na “ang limang maaliwalas na araw ay nagdala ng di-kilalang mga polen, na hindi kayang sugpuin ng mga dalubhasa sa larangang ito.” Ang “paghuli sa di-kilalang sanhi” sa gayon ay nagpasimula, subalit pansamantala, “ang mga pasyente ay nakararanas ng mga alerdyi, na hindi matiyak ang mga sanhi.”

Tagapagbantay ng Ostiya

Nagsimulang maglagay ng mga bantay ang St. Charles Catholic Church sa Picayune, Mississippi, upang matiyak na walang sinumang lalabas ng simbahan nang hindi nilululon ang ostiya sa Komunyon. Ang hakbang na ito ay ginawa pagkatapos ng maraming pangyayari kung saan ang mga tao ay lumalabas ng simbahan na may apa, o Ostiya, na itinuturing ng mga Katoliko na banal. Ayon sa The Dallas Morning News, sinabi ng klerigong si John Noone na “ibig ng mga mananamba ni Satanas na makakuha ng ostiya” upang “lapastanganin” ito. Ang gawain ng mga bantay ng Komunyon ay subaybayan ang mga nagsisimba at tingnan kung talagang nilulon nila ito. Kung hindi nila nilulon ito, magalang na hinihiling sa mga nagsisimba na kanin ang Ostiya o ibalik ito.

“Flashback” ng Video

Ayon sa isang pahayag na inilathala sa magasing Pediatrics, “ipinakikita ng marami-raming eksperimental na mga pagsusuri na ang mga video ng musika ay may malaking epekto sa paggawi sa pamamagitan ng paggawang manhid sa mga manonood hinggil sa karahasan at sa pamamagitan ng paghimok sa mga tin-edyer na mas sumang-ayon sa pagtatalik bago ang kasal.” Ang lubusang nakababahala sa mga magulang ay ang mga liriko ng heavy metal at gangsta rap. “Para sa maliit na grupo ng mga tin-edyer, maaaring napakalaking bagay ng nagugustuhang musika. Ipinakikita ng maraming pagsusuri na ang pagkahilig sa musikang heavy metal ay maaaring isang malaking palatandaan sa paghiwalay ng sarili ng isa, pag-abuso sa droga, mga sakit sa isip, panganib ng pagpapatiwakal, pangkaraniwang haka-haka sa ginagampanan ng kasarian, o mapanganib na mga paggawi sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.” Ang ulat, na tinipon ng walong doktor sa pagitan ng 1995 at 1996, ay nagsasabi: “Kapag nakarinig ang mga manonood ng isang awit pagkatapos na mapanood ang bersiyon nito sa video, agad na nagkakaroon sila ng ‘flash back’ sa nakita nila sa video.”

Papel Mula sa Dumi ng Elepante

Nang makita ng mga kapitbahay si Mike Bugara na nagpapakulo ng kalde-kalderong dumi ng elepante sa kaniyang bakuran, mauunawaan naman na sila’y nag-aalala. Ipinalalagay ng ilan na siya’y nangkukulam, subalit, ang totoo, siya’y gumagawa ng papel. Unang gumawa ng papel si G. Bugara mula sa mga dahon ng saging, mais, at eukalipto. Subalit napag-isip-isip ng masigasig na taong ito na nababahala sa kapaligiran ang paggamit nito upang gumawa ng papel dahil sa napakaraming makukuhang dumi na maraming hibla mula sa napakaraming elepante ng Kenya. Ipinasiya niya na ito’y isang mabisang paraan upang pukawin ang “kaunawaan ng mga tao hinggil sa kahalagahan ng pananatiling buhay ng species,” ang ulat ng magasing New Scientist. Ngayon ang kaniyang papel na mula sa dumi ng elepante ay ginagamit na mga kard para sa mga imbitasyon para sa ika-50 anibersaryo sa taóng ito ng Kenya Wildlife Service.

Mga Ritwal sa Pagkain

Ang TV ang “pangunahing sanhi ng napakaraming makabagong ritwal na paggawi,” ang sabi ng The New York Times. Ang isang halimbawa na ibinigay ay ang ugali ng pagkain habang nanonood ng telebisyon​—ngayo’y ritwal sa mga bansa sa buong mundo. Halimbawa, sa Mexico, maraming pamilya ang naghahapunan samantalang nanonood ng mga soap opera. Isiniwalat ng kamakailang surbey sa Pransiya na “62 porsiyento ng pagkain ay ginagawa samantalang nakabukas ang TV.” Sa Tsina, nasisiyahan ang mga manonood sa panonood ng pantanging mga pangyayari sa TV habang kumakain ng binusang butong pakwan. Ang itim na buto na ito ay popular din sa mga manonood sa Israel, na may kasama pang mga buto ng sunflower at pistachio. Ang mga kinakain naman habang nasa harap ng TV sa Pilipinas ay inihaw na paa ng manok, tainga ng baboy, at nakatuhog na bituka ng manok. Ang paboritong meryenda ay balut​—“di pa napipisang sisiw na pinakuluan at kinakain mula sa balat nito na binudburan ng asin,” ang sabi ng Times.

Hindi Magastos na Pag-iingat sa Kolera

Ipinalalagay ng mga siyentipiko na natuklasan na nila ang isang pamamaraang hindi magastos sa pag-iwas sa kolera​—ang pagsasala ng tubig na iniinom sa pamamagitan ng mga sari! Natuklasan ng mga mananaliksik sa University of Maryland, sa Estados Unidos, at sa International Centre for Diarrhoeal Disease Research, sa Dacca, Bangladesh, na ang baktirya na sanhi ng kolera ay tumitira sa bituka ng mga copepod, tulad-plankton na crustacean na nabubuhay sa tubig. Sa pamamagitan ng pagbubuhos ng tubig sa apat na saping sari, mahigit na 99 na porsiyento ng baktirya ng kolera ang maaaring maalis. Ang sari ay maaaring alisan ng nakahahawang baktirya sa pamamagitan ng pagbibilad nito ng dalawang oras sa arawan, o, kung panahon ng monsoon, sa pamamagitan ng paglalagay dito ng mumurahing pandisimpekta. Iniuulat ng pahayagang The Independent ng London na pasisimulang subukan ito sa labas sa taóng ito, kapag ang mga tao na nakatira sa mga lugar na apektado nito ay tuturuan kung paano isagawa ang pamamaraan.

Ang Hilig ng Amerika sa mga Baril

“Apat sa 10 nasa hustong gulang na Amerikano ang nakatira sa sambahayan na may mga baril, at ang mga tahanang yaon ay karaniwang may dalawang baril bawat isa, ayon sa isang pambansang surbey,” ang ulat ng Daily News ng New York. “Sa surbey, 25% ang nagsabi na sila’y may rebolber, 27% ang may shotgun at 29% ang may riple.” Maraming sambahayan ang may higit sa isang uri ng baril.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share