Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 11/22 p. 31
  • Saan Na Kaya Napapunta ang Lahat ng Bakalaw?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Saan Na Kaya Napapunta ang Lahat ng Bakalaw?
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Walang Huli
    Gumising!—2008
  • Ang Pagiging mga Mamamalakaya ng mga Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Pangingisda
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pamamalakaya ng mga Tao sa Karagatan ng Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 11/22 p. 31

Saan Na Kaya Napapunta ang Lahat ng Bakalaw?

NAPAKARAMING bakalaw (codfish) sa tubig anupat “hindi halos mapagaod ang bangka dahil sa mga ito.” Sabi ng manggagalugad na si John Cabot noong 1497 sa kaniyang paglalarawan sa isa sa pinakamayamang palaisdaan sa daigdig​—ang Grand Banks ng Newfoundland. Noong dakong huli ng mga taóng 1600, ang nahuhuling bakalaw taun-taon sa Newfoundland ay umaabot sa halos 100,000 metriko tonelada. Noong sumunod na siglo, nadoble ang huli.

Datapwat, sa ngayon ay napakalaki ng ipinagbago ng kalagayan. Ang angkan ng bakalaw ay kaunting-kaunti na lamang anupat noong 1992 ay ipinagbawal ng pamahalaan ng Canada ang panghuhuli ng bakalaw sa Atlantiko, anupat tinatayang 35,000 tao ang kinailangang maghanap ng trabaho sa ibang sektor. Ipinatutupad pa rin ang moratoryum noong 1997. Ngunit saan na kaya napapunta ang lahat ng mga bakalaw?

Noong mga taóng 1960, nagtagpu-tagpo sa laot ng Newfoundland ang internasyonal na mga plota sa pangingisda upang humakot ng pagkarami-raming bakalaw. Pagsapit ng 1968, ang mga namamalakaya mula sa mahigit na isang dosenang bansa ay nakahuhuli ng 800,000 tonelada ng isda taun-taon mula sa mga pampang ng Newfoundland. Ito’y tatlong ulit ng katamtamang huli taun-taon noong nakaraang siglo.

Bagaman ang mas malamig na tubig, ang pagdami ng mga seal, at ang paglipat ng mga bakalaw ay maaaring dahilan din ng pag-unti ng populasyon ng bakalaw, ang malaking bahagi ng sisi sa pagkapahamak ng mga bakalaw ay dapat ibunton sa kasakiman ng tao. “Sobrang pangingisda​—wala nang iba,” sabi ng isang marinong biyologo.

Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga bakalaw sa Atlantiko? Ang ilan ay nag-aalinlangan kung mayroon pa nga kayang sapat na maliliit na isdang maglalakihan, mangingitlog, at magdaragdag sa uring iyon. Ganito ang komento ng The Evening Telegram ng St. John: “Ang pinakamatandang industriya ng Canada, ang panghuhuli ng bakalaw sa Atlantiko, ay mababasa na lamang sa mga aklat ng kasaysayan.” Pero, may pag-asa pa rin!

Tinitiyak sa atin ng Bibliya na hindi na magtatagal, sa ipinangako ng Diyos na bagong sanlibutan ng katuwiran, hindi na magkakaroon ng dako para sa kasakiman. (2 Pedro 3:13) “Dadalhin [ni Jehova] sa pagkasira yaong mga sumisira sa lupa at bibigyan ng saganang buhay ang lupa at dagat sa kapakinabangan niyaong mga nagnanais maglingkod at magpalugod sa kaniya.”​—Apocalipsis 11:18.

[Picture Credit Lines sa pahina 31]

© Tom McHugh, The National Audubon Society Collection/PR

Mountain High Maps® Copyright © 1995 Digital Wisdom, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share