Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 5/8 p. 25
  • Mga Katutubong Amerikano at ang Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Katutubong Amerikano at ang Bibliya
  • Gumising!—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Nanguna?
  • Anong Kinabukasan ang Naghihintay sa Kanila?
    Gumising!—1996
  • Kung Paano Naglaho ang Kanilang Daigdig
    Gumising!—1996
  • Saan Sila Nagmula?
    Gumising!—1996
  • Pangalan ng Diyos ang Bumago ng Aking Buhay!
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 5/8 p. 25

Mga Katutubong Amerikano at ang Bibliya

MULA nang sakupin ng mga Europeo ang mga bansa sa Amerika, sinikap ng marami na turuan ang mga Katutubong Amerikano ng Bibliya.

Mula noong ika-17 siglo, ang buong Bibliya ay naisalin sa anim na wikang Indian sa Hilagang Amerika. Ang una ay ang Bibliya ni John Eliot, na inilimbag noong 1663 para sa mga Massachusett Indian malapit sa Boston at Roxbury, Massachusetts. Ganito ang sabi ni Harvey Markowitz, na sumulat sa Encyclopedia of North American Indians: “Bagaman kinukuwestiyon ngayon ng maraming mananalaysay ang kataimtiman ng mga mananakop sa pagpasok sa [isang] kasunduan [yaon ay, “upang gawing ‘sibilisado’ ang ‘mga di-sibilisadong tao’ sa Bagong Daigdig”], ang tindi ng kapasiyahan ni Eliot ay pinatunayan ng labinlimang taon ng pagpapagal niya sa pag-aaral sa Massachusett at sa paggawa ng isang ortograpya upang gumawa ng nasusulat na kopya ng Bibliya. Minalas ni Eliot ang mahirap na gawaing ito bilang ‘isang sagrado at banal na gawain, na dapat isaalang-alang taglay ang takot, pag-iingat, at pagpipitagan.’”

Bagaman naisalin na ang mga bahagi ng Bibliya sa ibang mga wika ng mga Katutubong Amerikano, gumugol ng dalawang daang taon bago nailathala ang sumunod na kumpletong Bibliya, isang bersiyon sa Western Cree (1862) ng mga miyembro ng British and Foreign Bible Society. Di-nagtagal ay sumunod ang iba pang salin: ang Eastern Arctic Inuit (1871); Dakota, o Eastern Sioux (1880); at ang Gwich’in, isang wika ng subartikong Amerikano (1898).

Ang pinakabagong kumpletong Bibliya ay ang saling Navajo, na inilathala noong 1985 pagkatapos ng 41 taon ng paghahanda at pagtutulungan ng dalawang samahan sa Bibliya. Mayroon na ngayong mga bahagi ng Kasulatang Hebreo at Griego sa hindi kukulanging 46 na wikang Indian.

Sino ang Nanguna?

Ganito ang sabi ni Markowitz: “Kapansin-pansin . . . na ang gawaing pagsasalin ng Bibliya ay isang napakalaking pagsisikap ng mga Protestante.” Sinasabi pa ng manunulat ding ito na bago pa ang Ikalawang Konseho ng Vatican (1962), “hinadlangan [ng Simbahang Katoliko] ang pagpapalaganap ng mga Bibliya sa mga karaniwang tao, sa paniniwalang kulang ng wastong . . . pagsasanay ang mga karaniwang tao upang makagawa ng tamang pagpapakahulugan sa mga teksto sa Bibliya.”

Iba’t ibang samahan sa Bibliya ang kasalukuyang sangkot sa hindi kukulanging 20 proyekto ng pagsasalin sa mga wika ng mga Katutubong Amerikano sa Hilagang Amerika, kasama na ang Cheyenne, Havasupai, Micmac, at Zuni. Isang bagong bersiyon ng Kasulatang Griego ang inihahanda para sa bansang Navajo. Iba pang salin ang inihahanda para sa mga Indian ng Sentral at Timog Amerika.

Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi kasapi ng anumang organisasyong Protestante. Gayunman, sila’y aktibo sa lahat ng mga Katutubong Amerikano, at bunga nito, maraming Katutubong Amerikano ang tumutugon sa mga katotohanan ng Bibliya may kinalaman sa “mga bagong langit at isang bagong lupa,” na tatahanan ng katuwiran. (2 Pedro 3:13) Ginagamit ng mga Saksi ang mga Bibliya na kasalukuyang makukuha sa katutubong mga wika ng mga lupain sa Amerika. Ginagamit din nila ang literatura sa Bibliya na isinalin ng Samahang Watch Tower sa ilang wika ng Katutubong Amerikano, kasali na ang Aymara, Cree, Dakota, Guarani, Inuktitut, Iroquois, Navajo, Quechua, at siyam na iba pang wika.​—Tingnan ang Gumising! ng Setyembre 8, 1996.

[Larawan sa pahina 25]

Ang “Jehovah” ay lumilitaw sa Bibliyang Navajo sa Awit 68:4

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share