Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 9/8 p. 31
  • Nakikilala Mo ba ang Awit na Iyan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nakikilala Mo ba ang Awit na Iyan?
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Ibong Umaawit—Mga Virtuoso na Humahamon sa Unawa
    Gumising!—1991
  • Awit ng Ibon—Isa Lamang Magandang Himig?
    Gumising!—1993
  • Ibon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kapag Sumalpok sa Gusali ang mga Ibon
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 9/8 p. 31

Nakikilala Mo ba ang Awit na Iyan?

ANONG awit? Isang popular na awit noon? Oo, mga awit noong unang panahon, marahil ang pinakamatatandang awit na narinig kailanman sa lupa. Ano ang mga ito? Awit ng mga ibon.

Kinikilala ng maraming tao ang mga ibon sa pamamagitan ng kanilang kulay, disenyo, paraan ng paglipad, at mga kaugalian nito sa paggawa ng pugad. Ngunit nakapakinig ka na bang mabuti upang makilala ang mga ibon sa pamamagitan ng kanilang mga awit?

Sa ilang ibon ay medyo madali ito, dahil hindi naman gaanong sari-sari ang kanilang mga huni. Kuning halimbawa ang pilyong uwak. Bagaman isa sa pinakamatatalinong ibon, agad itong makikilala sa paos na “kaw, kaw” nito. Ang mga rook ay kilala rin sa maingay na kaw nito. Isa pang ibon ay ang whippoorwill, na ang malungkot na huni ay makayayamot sa iyo sa gabi. Ang pangalan nito ay kinuha sa huni nito, na waring walang tigil, lalo na kapag gusto mong matulog.

Sa kabaligtaran, ang “mga marsh wren ay kadalasang may mahigit sa 100 awit; ang mga mockingbird ay 100 hanggang 200. Isang kayumangging trasher ang nagtanghal ng mahigit sa 2,000 awit”!​—Audubon, Marso-Abril 1999.

Karaniwan nang mga lalaki ang umaawit, upang markahan ang isang teritoryo at akitin ang mga babae. Gayunman, kung minsan, sumasali ang ilang babae sa koro ng mga ibon. Totoo ito sa mga Baltimore, o Northern orioles (kulyawan), kardinal sa Hilagang Amerika, at sa mga grosbeak na kulay-rosas ang dibdib.

Kilala mo ba ang mga ibon sa inyong lugar? Sa maraming bansa, mabibili ang inirekord na mga awit ng mga ibon upang matulungan ka na makilala ang mga ibon sa pamamagitan ng kanilang huni. Makabibili ka pa nga ng mga orasan na ang bawat oras ay inihuhudyat sa pamamagitan ng awit ng iba’t ibang ibon. Kahit paano ay makakakilala ka agad ng 12 huni!

[Larawan sa pahina 31]

Marsh wren

[Larawan sa pahina 31]

Grosbeak na kulay-rosas ang dibdib

[Larawan sa pahina 31]

Kardinal

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share