Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 9/22 p. 31
  • Mas Mahalaga Pa sa Salapi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mas Mahalaga Pa sa Salapi
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Isang Matapat na Bayan ay Nagdudulot ng Kapurihan kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Tumutugon ang Latvia sa Mabuting Balita
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Seksuwal na Pagsalakay?—Bahagi 2: Pag-recover
    Tanong ng mga Kabataan
  • Kung Paano Natupad ang Aking Pangarap
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 9/22 p. 31

Mas Mahalaga Pa sa Salapi

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA CANADA

“Binigyan [niya] ang kaniyang anak na babae ng isang regalo na mas mahalaga pa sa gaano man karaming salapi,” ang sabi ng isang komento sa editoryal sa pahayagang The Monitor ng Bridgetown, Nova Scotia. Ano ba ang regalo? Ito ang kaniyang “kamangha-manghang halimbawa ng pagkamatapat.”

Si Anna at ang kaniyang anak na si Tanya ay huminto sa baratilyo sa isang bakuran at bumili ng isang bag na puti upang paglagyan ng Bibliya ni Tanya. Pagdating nila ng bahay, binuksan ni Tanya ang isang siper sa loob ng bag at nanggilalas siya nang kaniyang makita ang $1,000 na perang papel. Karaka-raka, nagbalik ang mag-ina sa baratilyo sa bakuran at ibinigay ang salapi sa babae na nagbili sa kanila ng bag. Maliwanag, ang bihirang-magamit na bag ay pag-aari ng kaniyang kamamatay na ina, na nagkasakit ng Alzheimer’s disease, at hindi na ito natingnang mabuti bago ipinagbili. Gayon na lamang ang pasasalamat ng babae anupat kaniyang nasabi: “Naibalik nito ang pagtitiwala ko sa tao . . . Nakapagpapatibay malaman na may mga tao pang tapat.”

Isang artikulo tungkol sa insidente na napalagay sa unang pahina ng lokal na pahayagan ang sumipi kay Anna: “Bilang mga Saksi ni Jehova, natural lamang na ginawa namin ito. Mayroon kaming [budhing] sinanay sa Bibliya. Nais din naming ituro kay Tanya kung ano ang tama.” Para kay Tanya, ang bagong bag na puti ay magiging isang pantanging paalaala ng isang aral tungkol sa pagkamatapat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share