Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 10/22 p. 31
  • Napatibay Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napatibay Dahil sa Kaniyang Pananampalataya
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Bersiyong Armenian
    Glosari
  • Ang Pagpili Ko sa Pagitan ng Dalawang Ama
    Gumising!—1998
  • Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Nakasumpong ng Lakas sa Kabila ng Kahinaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 10/22 p. 31

Napatibay Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

ISANG 17-taong-gulang na batang babae ang sumulat sa tanggapan ng Samahang Watch Tower sa Moldova, isang dating republika ng Unyong Sobyet, upang ipahayag ang pasasalamat sa isang artikulo na lumabas sa Hunyo 8, 1998 na Gumising! Ang artikulo ay pinamagatang “Ang Pagpili Ko sa Pagitan ng Dalawang Ama,” at inilahad nito ang sariling karanasan ng isang kabataang Armeniano.

“Habang binabasa ko ang artikulo,” paliwanag ng batang babae, “napaluha ako dahil ang kaniyang kasaysayan ay katulad ng sa akin.” Ipinagpatuloy niya: “Noong ako ay 15, nagsimula akong mag-aral ng Bibliya, at hindi tutol ang aking mga magulang nang pasimula. Subalit noong magsimula akong dumalo sa mga pagpupulong ng mga Saksi ni Jehova, matindi silang tumutol. Pagkatapos, noong 1997, nang sinimulan kong ibahagi sa iba ang aking natututuhan, sinabi nila: ‘Pumunta ka sa iyong mga kaibigang Saksi at hayaan mong pakainin ka nila, bihisan ka, at bigyan ka ng trabaho. Napakasama mong anak!’ Pinarusahan pa nga ako sa pisikal ng aking mga magulang, anupat iniuntog ang ulo ko sa pader.

“Napakahirap na pagsubok iyon sa akin. Madalas kong nadarama ang damdaming ipinahayag ng kabataang Armeniano, na nagsabing iniisip niya minsan kung nasisiyahan kaya si Jehova sa kaniya. Sinabi ko sa aking sarili, ‘Ako ba’y walang halaga? Patatawarin pa ba ako ni Jehova sa aking mga naging kasalanan? Mahal pa kaya ako ni Jehova?’

“Talagang mahirap ito, lalo na kapag naiisip ko na hindi na ako mahal ni Jehova. Taglay ang luha sa aking mga mata, palagi akong nagsusumamo kay Jehova sa aking mga panalangin na tulungan niya ako, na palakasin niya ako upang hindi ko siya iwan kailanman. At, tunay, nakita kong pinakinggan ni Jehova ang aking mga panalangin at sinagot ang aking mga pagsusumamo. Pinagkalooban niya ako ng katatagan, katapangan, at lakas ng loob. Ipinagkaloob niya ito lalung-lalo na sa pamamagitan ng kaniyang Salita, kung saan buong pagtitiwalang ipinahayag ng salmista: ‘Sakaling iwan ako ng aking ama at ng aking ina, si Jehova ang kukupkop sa akin.’​—Awit 27:10.

“Noong Setyembre 27, 1997, sinagisagan ko ang aking pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa isang pansirkitong asamblea ng mga Saksi ni Jehova sa Kagul. Buong linaw kong nakikita na si Jehova, ang ating maibiging makalangit na Ama, ay tumutupad sa kaniyang pangako na binabanggit sa Awit 84:11: ‘Ang Diyos na Jehova ay araw at kalasag; lingap at kaluwalhatian ang ibinibigay niya. Si Jehova ay hindi magkakait ng anumang mabuti sa mga lumalakad sa kawalang-pagkukulang.’

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa kabataang Armenianong iyon na nagbahagi ng kaniyang nakapagpapatibay-pananampalatayang kasaysayan sa magasing Gumising! Ako’y umaasa na sa hinaharap ay magpakita rin sana ng interes ang pareho naming mga magulang sa mga turo ng Bibliya.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share