Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 12/8 p. 5
  • Napakaaga ba o Napakahuli?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napakaaga ba o Napakahuli?
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Kailan Magsisimula ang Ikatlong Milenyo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Ang Bagong Milenyo—Ano ang Laan ng Kinabukasan Para sa Iyo?
    Ang Bagong Milenyo—Ano ang Laan ng Kinabukasan Para sa Iyo?
  • Ang Ikatlong Milenyo—Tutuparin ba Nito ang Inyong Pag-asa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Gaano Kahalaga ang Taóng 2000?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 12/8 p. 5

Napakaaga ba o Napakahuli?

MARAMI ang sinasabi ngayon tungkol sa pasimula ng ika-21 siglo at ng ikatlong milenyo pagkatapos ng kapanganakan ni Jesu-Kristo. Sinabi ng magasing Newsweek na “ang ika-20 siglo, na nagsimula bilang ang Siglo ng Ganap na Digmaan at sumulong tungo sa Panahong Atomika, ay tila nagtatapos bilang ang Panahon ng Paglilibang.” Sa labas nito ng Enero 22, 1997, iniulat nito: “Ang mga otel sa buong daigdig ay pawang nakareserba na” para sa mga pagdiriwang sa Bisperas ng Bagong Taon, sa Disyembre 31, 1999.

Gayunman, sinasabi ng ilang tao na ang mga pagdiriwang ay nagaganap nang napakaaga. Sinasabi nila na kabaligtaran ng paniniwala ng marami, ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo ay hindi magsisimula sa Enero 1, 2000, kundi sa Enero 1, 2001. Yamang walang 0 na taon, ang unang siglo ay mula noong taóng 1 hanggang 100, ang ikalawang siglo ay mula 101 hanggang 200, at iba pa. Kaya ikinakatuwiran nila na ang ika-20 siglo, na nagsimula noong Enero 1, 1901, at ang ikalawang milenyo, na nagsimula noong Enero 1, 1001, ay matatapos lamang sa Disyembre 31, 2000.

Mayroon pang karagdagang punto na dapat isaalang-alang. Hinahati ng ating kalendaryo ang panahon batay sa pagiging alin sa bago o pagkatapos ng kapanganakan ni Kristo. Kinikilala ngayon ng mga iskolar na si Jesus ay ipinanganak na mas maaga kaysa dating akala, anupat ginagawang di-tumpak ang napakahalagang petsa sa kalendaryo. Iba’t iba ang opinyon sa kung kailan ipinanganak si Jesus, subalit itinuturo ng kronolohiya ng Bibliya ang taóng 2 B.C.E. Sa gayong pagtutuos, ang ikatlong milenyo pagkatapos ng kapanganakan ni Kristo ay aktuwal na nagsimula sa taglagas ng taóng ito! Higit pang impormasyon ang masusumpungan sa mga labas ng Gumising! ng Mayo 22, 1997, sa pahina 28, at ng Awake! ng Disyembre 22, 1975, sa pahina 27.a

Sa paano man, makabubuting iwasan ang dogmatikong pagsasabi na ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo ay magsisimula na sa loob lamang ng ilang linggo. Sa kabila nito, dahil sa popular na mga pangmalas, inaakala ng Gumising! na napapanahong talakayin ang paksang “Ang Ika-20 Siglo​—Mga Taon ng Malalaking Pagbabago.”

[Talababa]

a Tingnan din ang November 1, 1999, na isyu ng Ang Bantayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share