Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 12/22 p. 17-19
  • Dapat ba Akong Magkaroon ng Credit Card?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dapat ba Akong Magkaroon ng Credit Card?
  • Gumising!—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtaya sa Halaga
  • Responsableng Paggamit ng Credit Card
  • Pagtatamasa sa mga Pagpapala
  • Mga Kredit Kard—Maglilingkod o Aalipin ba sa Iyo?
    Gumising!—1996
  • “Tayo’y Magpadala ng Isang Kard”
    Gumising!—1993
  • Bagong Paglalaan Upang Tulungan Tayong Umiwas sa Dugo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Ginagamit Mo Bang Mabuti ang JW.ORG Contact Card?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 12/22 p. 17-19

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Dapat ba Akong Magkaroon ng Credit Card?

“Nakuha ko ang aking unang alok na credit card mula sa koreo noong ako ay 16 na taóng gulang. . . . Nang ako ay 18 na, ang aking pagkakautang ay umabot sa halos $60,000.”​—Kristin.

NOONG una, ang plano ni Kristin ay gamitin ang kaniyang credit card para lamang sa biglaang pangangailangan​—at marahil para doon sa paminsan-minsang bagay na nais niyang bilhin ngunit hindi makababayad ng salapi. Pagkatapos ay nawala na sa kontrol ang mga bagay-bagay. “Nagsimula akong mamili nang walang pagpipigil at may kahibangan na nag-order mula sa mga katalogo,” pagtatapat ni Kristin. “Bumili ako ng mga bagay na hindi ko naman gusto.” Ngayon ay may iba nang pangmalas si Kristin sa mga credit card. “Wala akong kamalay-malay kung gaano kalubha na ginulo ng maliit na card na plastik na iyon ang aking buhay,” ang sabi niya.​—Ang magasing Teen.

Ang karanasan ni Kristin ay pangkaraniwan. Isang lumalaking bilang ng mga kabataan ang patungo sa panganib sa pananalapi sa paggamit ng maliit na pirasong iyon ng plastik, ang credit card. Sa ilang kalagayan, agresibong pinupuntirya ng mga kompanya ang mga kabataan. Malamang na alam nila na para sa maraming sabik gumastos, ang mga credit card ay magiging, gaya ng tawag dito ng tagapayo sa pananalapi na si Jane Bryant Quinn, “droga sa pananalapi.” “Habang lalo itong ginagamit,” ang sabi niya, “nagiging mas mahirap na ihinto ito.”

Ipagpalagay na ang pagkakaroon ng credit card ay maaaring maging kapaki-pakinabang​—halimbawa, kapag bumangon ang biglaang pangangailangan o kapag hindi katalinuhan na magdala ng salapi. Iyan ang isang dahilan kung bakit ang mga credit card ay naging napakapopular sa Estados Unidos at maging sa ibang bansa. Gayunman, kung hindi ito gagamitin nang may pag-iingat, ang credit card ay maaaring maghagis sa gumagamit nito sa malalim na pagkakautang na hindi niya basta malalabasan. Kung kaya, isang ulat na inilathala sa Globe and Mail ng Toronto ang nakapansin sa tatlong ulit na pagtaas “sa bilang ng baon-sa-utang na mga 20- hanggang 23-taong-gulang na humihingi ng tulong sa Credit Counselling Service ng Toronto.” Sinabi ng report na marami ang nagkautang ng hanggang sa $25,000, at ang mga bayarin sa credit card ang pangunahing mga dahilan ng pagkakautang.

Dapat ka bang magkaroon ng credit card? Iyan ay isang bagay na ang mga magulang mo ang dapat magpasiya. Kung sa palagay nila ay dapat ka munang maghintay, maging matiisin. Kung mapatutunayan mo na marunong ka sa paggasta, marahil ay hindi magtatagal at bibigyan ka ng iyong mga magulang ng higit na pinansiyal na mga pananagutan. (Ihambing ang Lucas 16:10.) Samantala, dapat mong malaman na ang paggamit ng credit card​—kagaya ng pagmamaneho ng isang sasakyan​—ay kapuwa may mga pagpapala at mga panganib.

Pagtaya sa Halaga

Ang pagbili sa pamamagitan ng credit card sa katunayan ay katulad din ng paghiram ng salapi. Gaya ng lahat ng kalagayan sa paghiram, dapat mong bayaran kung ano ang ipinautang sa iyo. (Kawikaan 22:7) Ngunit paano ka magbabayad sa mga bagay na binili mo sa pamamagitan ng credit card?

Karaniwan na, isang nasusulat na kuwenta ang ipinadadala sa iyo bago magtapos ang buwan, na ipinakikita ang mga binili sa pamamagitan ng card gayundin ang kabuuang halaga ng iyong utang. Ipinakikita rin ng kuwenta kung magkano ang inaasahang babayaran mo kaagad. Kadalasan, ang halagang ito ay maliit lamang. Bunga nito, maaaring mangatuwiran ka, ‘Hindi naman pala masama. Kung babayaran ko lang ang katamtamang halaga na hinihiling bawat buwan, di-magtatagal ay mababayaran ko na ang aking pagkakautang.’ Gayunman, ang suliranin ay na pagkatapos ng panahon ng palugit, ikaw ay sasailalim sa bayad-serbisyo sa pananalapi​—interes​—sa halaga ng utang mo pa. At ang halaga ng interes sa credit card ay napakataas.a

Isaalang-alang si Joseph, na ang balanse sa isang buwang kuwenta ay halos $1,000. Siyempre pa, kailangan lang bayaran ni Joseph ang katamtamang halaga na sinisingil, na $20. Ngunit nang suriin niyang mabuti ang kaniyang kuwenta, nasumpungan ni Joseph na kalakip sa balanse para sa buwang iyon ay ang bayad-serbisyo sa pananalapi na halos $17! Nangangahulugan ito na kahit na bayaran ni Joseph ang katamtaman na $20, nabawasan lang niya ng $3 ang kaniyang pagkakautang na $1,000!

Gaano katagal bago mabayaran ang bayarin sa credit card kung magbabayad ka lamang ng katamtamang halaga na dapat bayaran? Tinukoy ang isang sapantahang halimbawa, isang buklet na inilathala kapuwa ng Federal Trade Commission at ng American Express ang nagsabi: “Kung mayroon kang di-nababayarang balanse na $2,000, na may interes na 18.5% at katamtamang baba ng buwanang bayad, mangangailangan ng 11 taon upang mabayaran ang pagkakautang at gagastos ka pa ng karagdagang $1,934 para lamang sa interes, na halos dodoble sa kabuuang halaga ng iyong binili.”

Gaya ng iyong makikita, kung hindi ka maingat, maaari kang mahulog sa isang pinansiyal na bitag sa paggamit ng credit card. “Sa katunayan ay nagbabayad ako ng halos doble sa lahat,” sabi ni Kristin. “Nang magkaproblema ako sa pagbabayad, dinagdagan ng mga nagpapautang ang singil para sa pagbabayad nang huli. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.”

Responsableng Paggamit ng Credit Card

Natutuhan ni Kristin sa mapait na karanasan na ang “bumili ngayon, saka na magbayad” na paraan sa pamimili ay mapanganib. Ang mga utang ay maaaring lumaki nang napakabilis, at bago mo matanto ito, ang iyong katamtamang buwanang bayad ay maaaring pagbabayad lamang para sa iyong mga bayad-serbisyo sa pananalapi. Paano naiiwasan ng responsableng mga gumagamit ng card ang pagkahulog sa gayong pinansiyal na bitag?

● Sinusubaybayan nila ang kanilang mga binibili at maingat na sinusuri ang kanilang buwanang mga kuwenta upang makatiyak na sila ay sinisingil lamang para sa mga binili nila.

● Kaagad nilang binabayaran ang kanilang mga utang, anupat natatanto na ang isang mabuting ulat ng pagkakautang ay malamang na makatutulong sa dakong huli​—marahil kapag nag-aaplay para sa isang trabaho o para sa seguro o kapag tinutustusan ang isang kotse o isang bahay.

● Kung posible, binabayaran nila ang buong halaga na inutang upang maiwasan nila na masingil ng mataas na halaga ng interes sa mga balanse.

● Hindi nila ibinibigay ang numero at petsa ng pagtatapos ng kanilang credit card sa telepono malibang kilala nila ang tao o ang kompanya na kausap nila.

● Hindi nila ipinahihiram ang kanilang credit card sa sinuman, kahit na sa isang kaibigan. Tutal, ang ulat ng pagkakautang ng may-ari ng card ang maaapektuhan kung ginamit nang hindi tama ang card.

● Iniiwasan nilang gamitin ang kanilang credit card na isang paraan upang makakuha agad ng salapi, na para bang ito ay isang card ng bangko. Tandaan, ang mga paunang salapi (cash advance) ay kadalasang mas mataas ang halaga ng interes kaysa sa mga binibili.

● Hindi nila pinupunan at ipinadadala ang bawat aplikasyon ng credit card na natatanggap nila. Para sa karamihan ng mga kabataan, sapat na ang isang card.

● Ginagamit nila ang kanilang credit card nang may katalinuhan, na lubos na natatalos na kapag bumibili sila sa pamamagitan nito, sila pa rin ay gumugugol ng tunay na salapi, bagaman hindi sila gumagamit ng mga salaping papel o barya.

Pagtatamasa sa mga Pagpapala

May credit card ka man sa kasalukuyan o nagbabalak na kumuha ng isa sa malapit na hinaharap, maging lubusang pamilyar kapuwa sa mga pakinabang at sa mga panganib. Itanong mo sa iyong sarili ang sumusunod: Bakit ko inaakalang kailangan ko ng credit card? Ito ba’y upang makapagtamo lamang ng materyal na mga bagay, upang magkaroon ng pinakabago sa moda, upang pahangain ang aking mga kaibigan? Dapat ba akong matuto na maging higit na kontento sa mga mahahalagang bagay, sa tinatawag ng Kristiyanong apostol na si Pablo na “pagkain at pananamit”? (1 Timoteo 6:8) Ang mga pagkakautang ba sa credit card ay magdudulot ng labis na mga pabigat sa pinansiyal na magiging dahilan upang maiwala ko ang pansin sa higit na mahahalagang bagay sa buhay?​—Mateo 6:33; Filipos 1:8-11.

Pag-isipan ang mga katanungang ito, at ipakipag-usap ang mga ito sa iyong mga magulang. Kung gagawin mo ito, sa gayon ikaw man ay may credit card o wala, maiiwasan mo ang pinansiyal na sakit sa damdamin na ginawa ng marami sa kanilang sarili.​—Kawikaan 22:3.

[Talababa]

a Makikita mo ang interes na sinisingil ng isang partikular na kompanya ng credit card sa pagtingin sa annual percentage rate (APR) na nakatala sa aplikasyon o sa buwanang kuwenta.

[Kahon sa pahina 19]

Ang Kahalagahan ng Pagpapahintulot ng Magulang

Maraming kabataan ang nabigyan ng unang pagkakataon na magkaroon ng kanilang sariling credit card nang makakuha sila ng aplikasyon mula sa koreo. Sa katunayan, sa loob ng isang yugto ng panahon, ang ilan ay tumanggap ng ilang aplikasyon. “May matinding kompetisyon sa gitna ng mga kompanyang nagbibigay ng credit card upang mapasakamay ito ng mga kabataan,” paliwanag ni Jane Bryant Quinn, “sapagkat ipinakikita ng mga pagsusuri na mahilig tayong ingatan ang ating unang card.”

Kadalasan na isang magulang o iba pang adulto na may matatag na ulat ng pagkakautang ang kailangang lumagda sa aplikasyon ng credit card upang ang nagpapalabas ng card ay may katiyakan sa paanuman na ang halaga ng mga binili ay mababayaran. Nakalulungkot, maraming kabataan ang gumagamit ng panlilinlang upang maiwasan ang hakbang na ito. Isang kabataan ang naglagay sa pangalan ng kaniyang lola bilang ang pangunahing aplikante at ang kaniyang sariling pangalan bilang kasamang aplikante nang lingid sa kaalaman ng kaniyang lola. Isip-isipin ang pagkagulat ng kaniyang lola nang mabatid niya na may utang siyang sampu-sampung libong dolyar!

Ang panghuhuwad ng lagda ng isang magulang o iba pang adulto sa aplikasyon ng credit card ay di-matapat, at ang pagiging di-matapat ay hinahatulan ng Diyos. (Kawikaan 11:1; Hebreo 13:18) Kaya kung nais mo ng credit card, ipakipag-usap ito sa iyong mga magulang. Ang kanilang pagpapahintulot ay higit na makabubuti sa iyo sa katagalan. Tandaan, tiyak na may karanasan na ang iyong mga magulang sa pagbabayad ng mga pagkakautang, at mabibigyan ka nila ng matalinong payo. Kaya makipag-usap ka sa kanila, at huwag babaling sa di-matapat na paraan upang magkaroon ng credit card.

[Larawan sa pahina 18]

Ang di-gaanong mahalagang paggamit ng credit card ay magdudulot ng malaking problema sa pinansiyal

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share