Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 12/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kailangang Maghanda Para sa Kasakunaan
  • Panganib Kapag Namumulaklak ang Kawayan
  • Kamatis Laban sa Kanser
  • Problemang Pangkaisipan ng mga Bata
  • Anumang Pumaitaas ay Bumabagsak
  • Paglago ng Kawalan ng Pagpaparaya sa Relihiyon
  • Nahuhusto ba ang Tulog?
  • Pagdami ng Delingkuwenteng Bata
  • Pagharap sa mga Problema sa Prostate
    Gumising!—2000
  • Ang “Prostate” at ang mga Problema Nito
    Gumising!—1990
  • Madadaig Mo Ba ang Kanser?
    Gumising!—1987
  • Ang Pakikibaka ng Tao Laban sa mga Sakuna
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 12/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Kailangang Maghanda Para sa Kasakunaan

“Ayon sa World Disasters Report 1999,” sabi ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies, “ang panahon ng likas na kasakunaan noong nakaraang taon ang napaulat na pinakamalubha anupat nagdulot ng napakalaking pinsala higit kailanman.” Dahil sa tagtuyot, pagiging di-mataba ng lupa, pagbaha, at pagkalbo sa kagubatan, napilitan ang 25 milyon katao na lisanin ang kanilang lupain at humanap ng matatakbuhan sa pamayanan ng mga iskuwater sa lunsod, anupat lumikha tuloy ng “mas maraming ‘nagsilikas’ kaysa sa nalikha ng mga digmaan at labanan.” Ang lubhang apektado nito ay ang mga papaunlad na bansa, na doo’y 96 na porsiyento ang namamatay dahil sa likas na mga kasakunaan. Sa nakalipas na limang taon, bumaba nang 40 porsiyento ang mga pondo ng ahensiya sa pagkakawanggawa. Bilang pagdiriin sa pangangailangan na baguhin ang pangmalas hinggil sa paghahanda sa kasakunaan, ganito ang sinabi ng direktor ng pederasyon hinggil sa polisa sa kasakunaan na si Peter Walker: “Ang awtomatikong reaksiyon sa kasakunaan ay nabibigo . . . Hindi tayo maghihintay na masunog muna ang isang bahay bago tayo mangilak ng salapi para magkaroon ng isang kagawaran sa sunog.”

Panganib Kapag Namumulaklak ang Kawayan

Malaking bahagi ng hilagang-silangan ng India ang nalalaganapan ng mga kawayanan. Bumangon ang pangamba sa mga estado ng Manipur at Mizoram nang magsimulang mamulaklak ang mga kawayan doon. Bakit? Sapagkat ang pamumulaklak ng partikular na mga uri ng kawayan sa mga lugar na ito, na tinatawag na mautang, ay nangyayari lamang minsan sa halos 50 taon, at gustung-gusto ito ng mga daga. Matapos kanin ang mga bulaklak, ang mga daga ay mabilis na dumarami at saka sumasalakay sa mga pananim, na ang dulot naman sa dakong huli ay kagutom. Ayon sa The Times of India, nagkaroon ng taggutom noong 1957 matapos mamulaklak ang kawayan noong 1954/55. Sa pagtatangkang mahadlangan ang isa na namang taggutom, nagpanukala ang pamahalaan ng Mizoram State ng isang kampanya ng pagpatay sa mga daga. Nagbigay sila ng isang rupee kapalit ng bawat buntot ng daga. Hanggang noong Abril, mga 90,000 buntot na ang nakolekta, at nagrerekisisyon ng mga pondo upang ipagpatuloy ang kampanya laban sa mga daga.

Kamatis Laban sa Kanser

Ipinahihiwatig ng kamakailang pag-aaral na iniharap ng American Association for Cancer Research na ang kamatis ay maaaring may sangkap na pumipigil sa paglaki ng kanser sa prostate. Ang sangkap na nagbibigay ng mapulang kulay sa kamatis, ang lycopene, ay posibleng makapagpaliit sa mga carcinogenic tumor sa prostate at makabawas sa pagkakaroon ng metastasis, ang pagkalat ng kanser sa iba pang tisyu ng katawan. “Isiniwalat [ng pag-aaral na inilathala ng U.S. National Cancer Institute] na ang kamatis at lahat ng pinaggagamitan nito ay may magandang epekto hindi lamang sa kanser sa prostate kundi maging sa lapáy, bagà, at colon.”

Problemang Pangkaisipan ng mga Bata

Sangkalima ng mga kabataang Britano na wala pang edad 20 ang dumaranas ng mga problemang pangkaisipan, ayon sa isang ulat ng Mental Health Foundation. Bagaman “waring gayon na lamang ang pagkabahala ng Pamahalaan, ng mga propesyonal at ng media sa pisikal na kapakanan at tagumpay ng mga bata sa akademiko,” komento ng direktor ng foundation na si June McKerrow, ang mga bata “ay nabibigong sumulong sa emosyonal na paraan.” Binanggit ng ulat na maraming dahilan ang nasa likod nito. Ang mga bata “ay pinipilit mula sa pinakamaagang edad na ihambing ang kanilang sarili sa kanilang mga kaedad sa pamamagitan ng mga pagsusulit at pagtatasa,” at karamihan ay humihinto sa pag-aaral anupat itinuturing ang sarili na bigo. Ang paglalaro sa labas, na tumutulong sa mga kabataan upang “makapag-isip sa pamamagitan ng pagdedesisyon at magkaroon ng higit na pagtitiwala sa sarili at katatagan,” ay pinalitan ng mga computer at telebisyon. Ang mga anunsiyo ay “pumupukaw ng pagnanasa na magkaroon ng mga bagay na wala sila o kaya’y magtaglay ng pagkatao na hindi naman sa kanila.” Karagdagan pa, dahil sa halos 50 porsiyento na ang nagdidiborsiyo at maraming magulang ang naghahanapbuhay, ang pagkapagod ng isip ng mga bata ay “tumitindi dahil sa hindi nila maaasahan ang katatagan ng emosyon ng kani-kanilang pamilya,” sabi ng The Daily Telegraph.

Anumang Pumaitaas ay Bumabagsak

Karaniwan na sa ilang lugar sa Estados Unidos at sa ilang bansa sa Latin Amerika na ipagdiwang ng mga taong nagkakatuwaan ang pagsisimula ng isang bagong taon sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril sa itaas. Subalit pinakikiusapan sila ng mga pulis na huwag itong gawin. “Kapag nagpaputok ka ng baril sa itaas,” sabi ng hepe ng pulisya sa Los Angeles na si Willie Williams, “ang balang iyon ay tiyak na babagsak sa isang lugar.” At ang lugar na iyon ay maaaring sa ulo ng isang tao. Marami nang tao ang namatay sa paraang iyan sa nakalipas na ilang taon sa Estados Unidos. Karagdagan pa, daan-daang kaso ng pinsala at pagkasira ng ari-arian ang naiulat, na kung minsan ay dahil sa mga bala na milya-milya pa ang pinagmulan. Madalas, ang mga taong nagpapaputok sa itaas ay buong-kamaliang nag-aakala na ang mga bala ay nagkakahiwa-hiwalay sa itaas o kaya’y hindi ito makapipinsala sa sinuman sa pagbagsak ng mga ito. Ngunit ang isang bala na pinaputok nang deretso sa itaas ay maaaring bumagsak nang napakabigat anupat “sapat na ito upang lumusot sa balat, bumulag sa mata o bumaon sa malambot na bahagi ng bungo ng sanggol,” ayon kay Fred King, tagapagsalita ng Houston Police Department.

Paglago ng Kawalan ng Pagpaparaya sa Relihiyon

Ayon sa International Helsinki Federation, isang organisasyon para sa karapatang pantao, “ang iba’t ibang anyo ng di-inaaming pag-uusig” sa diumano’y mga bagong relihiyon ay nagaganap sa Europa, pag-uulat ng Catholic International. Upang mahadlangan ang maliliit na relihiyon, ang ilang pamahalaan ay nagsisikap na gumamit ng legal na mga hakbang na labag sa pananagutan na itaguyod ang kalayaan ng budhi at relihiyon. Ang kontrobersiyal na mga ulat ng parlamento at naka-black list na “mapanganib na mga sekta” sa Belgium, Pransiya, at Alemanya ay nagpalago ng kawalan ng pagpaparaya at diskriminasyon. Gayunman, ipinaliwanag ni Willy Fautré, presidente ng Human Rights Without Frontiers, na “napakaliit na bilang” lamang ng mga kilusang panrelihiyon ang nagbabanta ng panganib sa lipunan at na ang mga pangamba ay pinalaki na lamang. Ang pangunahing mga simbahan, sabi niya, ay nakapagpabigat pa sa problema sa pamamagitan ng pag-akto bilang “kapuwa kalaban at hukom” sa pag-aaway at sa pamamagitan ng pagtataguyod ng “komprontasyon sa halip na pagpapaliwanagan.”

Nahuhusto ba ang Tulog?

Ang mga taong “palagi nang gustong umidlip sa tanghali, natutulog sa panahon ng mga pulong, o nahihirapang makapagtuon ng isip” ay hindi husto ang tulog sa gabi, sabi ng pahayagang Toronto Star. Karamihan sa mga tao ay regular na nangangailangan ng pito hanggang siyam na oras ng pagtulog gabi-gabi upang makapagtrabahong mabuti sa araw. Narito ang ilang mungkahi na ibinigay ng mga eksperto kung paano magagawa ito: Gawing priyoridad ang pagtulog. Magrelaks muna bago matulog. Baka makatulong ang paglalakad-lakad, ngunit iwasan ang nakapapagod na mga ehersisyo sa huling tatlong oras bago matulog. Matulog at gumising sa magkakaparehong oras araw-araw. Kapag nagising ka sa gabi, huwag maiinis o sisikaping lumutas ng mga problema​—sa halip, hayaang maglaro sa isipan ang magagandang bagay. Kung gising ka pa rin sa loob ng kalahating oras, bumangon na at gumawa ng anumang bagay na makapagpaparelaks, gaya ng pagbabasa para malibang. Mag-ingat na huwag kumain o uminom nang marami bago matulog, ngunit huwag din namang matutulog nang gutom.

Pagdami ng Delingkuwenteng Bata

Sa Alemanya nitong nakaraang taon, dumami ang bilang ng krimen na isinasagawa ng mga kabataan, pag-uulat ng pahayagang Hessische-Niedersächsische Allgemeine. “Ang bilang ng mga batang pinaghihinalaang nananakit” sa iba ay tumaas nang 14.1 porsiyento. Partikular na kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga pinaghihinalaang bata na wala pang edad 14​—152,774​—dumami nang 5.9 na porsiyento. Sa pagtawag sa pangyayaring ito na “lubhang nakababahala,” itinampok ni Otto Schily, Federal Minister of the Interior, ang pangangailangan sa mas mabibisang hakbang para mahadlangan ito. Bagaman makatutulong ang pamahalaan, lalo na sa larangan ng edukasyon at paggawa, sinabi niya na ang pamilya ang lalo nang may mahalagang papel na ginagampanan upang mahadlangan ang krimen.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share