Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 6/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Matalino Bang Mamuhunan sa Stock Market?
    Gumising!—2000
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2000
  • Paano Ka Naaapektuhan ng Wall Street?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 6/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Uniberso Gustung-gusto ko ang seryeng “Ang Uniberso​—Lumitaw na Lamang ba Ito?” (Oktubre 8, 2000) Lubhang kawili-wiling malaman kung paano nilalang ng Diyos na Jehova ang lahat ng bagay sa napakaorganisadong paraan. Malinaw na ipinakikita ng artikulo na tayo ay produkto ng paglalang at hindi ng ebolusyon.

E. V., Estados Unidos

Kaligtasan sa Himpapawid Salamat sa artikulong “Ginagawang Mas Ligtas ang Paglalakbay sa Himpapawid.” (Setyembre 22, 2000) Gayunman, napansin ko na ang cabin ng piloto na nasa larawan ay hindi sa Boeing 747 gaya ng nabanggit kundi sa Boeing 777.

M. R., Czechia

Hindi kami nakakuha ng mga litrato ng simulator ng isang Boeing 747. Kaya binanggit sa artikulo na ang simulator ng 747 ay “kahawig sa ipinakita.”​—ED.

Stock Market Salamat sa timbang na artikulong “Matalino Bang Mamuhunan sa Stock Market?” (Oktubre 8, 2000) Natutuhan ko mula sa karanasan na mag-ingat sa kahina-hinalang impormasyon hinggil sa stock market. Ito ay kadalasang nauuwi sa mas malalaking kawalan. Bago bumili ng mga stock, katalinuhan na isaalang-alang muna ang pangkalahatang kalagayan ng stock market.

N. B., Alemanya

Tutol ako sa pagsasabing ang pamumuhunan sa stock market ay hindi pagtitiwala sa “diyos ng Suwerte.” (Isaias 65:11) Ang pamumuhunan sa isang sistemang napakabilis magbago at lubos na tumatakbo nang walang katiyakan ay pagsusugal.

P. B., Estados Unidos

Inaamin naman na malaki ang posibilidad na malugi kapag mamumuhunan sa stock market. At, gaya ng anumang negosyo, kasangkot dito ang mga salik na walang katiyakan. Gayunman, hindi magiging tumpak na sabihing ang pangangalakal ng mga stock ay pagsusugal. Kasangkot sa pagsusugal ang pakikipagpalit ng pera nang walang anumang kapalit na ari-arian. Gayunman, kinakatawan ng stock ang aktuwal na parte sa pagmamay-ari ng isang negosyo. Kung gayon, ang pangangalakal ng mga stock ay maaaring malasin bilang pamimili at pagbebenta ng lehitimong mga ari-arian.​—ED.

Pagkatapon sa Siberia Napatibay ako sa katapatan ni Stepan at ng iba pang tapat na mga Kristiyanong kapatid na binanggit sa salaysay ni Alexei Davidjuk, “Ang Pinakamahalaga sa Akin​—Ang Pananatiling Matapat.” (Oktubre 8, 2000) Naapektuhan ako sa ibinigay na dahilan kung bakit naging di-matapat ang isang kapatid​—“sapagkat inihinto niya ang pagbabasa at paniniwala sa Bibliya.” Ang mga salitang ito ang nagbigay sa akin ng panibagong lakas na magpatuloy sa regular na pag-aaral ng Banal na Kasulatan.

A. V., Georgia

Lubhang Mapanganib na mga Isport Kamakailan lamang ay binigyan ako ng pagkakataon na mag-hang gliding. Nakatutukso ang alok, ngunit nais kong malaman kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil dito. Pagkalipas ng ilang araw, natanggap ko ang kasagutan mula sa inyong artikulong “ ‘Lubhang Mapanganib na mga Isport’​—Dapat Mo Bang Subukan Ito?” (Oktubre 8, 2000) Waring ang pagha-hang gliding ay isang makapigil-hiningang karanasan. Ngunit napakahalaga ng aking kaugnayan kay Jehova para isapanganib ko ang aking buhay sa pakikilahok dito.

M.M.S., Brazil

Sinabi ninyo na ang pagtukso ni Satanas kay Jesus ay “marahil sa isang pangitain.” Hindi ba’t ang mga tukso ay mga karanasang aktuwal na naganap?

C.G.H., Estados Unidos

Ang ilang aspekto ng ulat na ito ng Bibliya ay nakalilito kung ituturing na literal. Halimbawa, walang bundok na sapat ang taas upang maipakita ni Satanas kay Jesus “ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kanilang kaluwalhatian.” Ni magiging posible na hahayaan ni Jesus na literal siyang ‘dalhin [ni Satanas] sa banal na lunsod’ o ilagay siya “sa ibabaw ng moog ng templo.” (Mateo 4:5-8) Maliwanag kung gayon, isang uri ng pangitain ang nasangkot. Paano man ito isinagawa, ang pagtukso ni Satanas kay Jesus ay tunay. Ang pagtanggi ni Jesus na magpadaig sa gayong tukso ay nagpapakita ng kaniyang di-masisirang katapatan.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share