Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 11/8 p. 13
  • ‘Nabigo ang Eksperimento’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Nabigo ang Eksperimento’
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Malapit Na ang Wakas ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Karalitaan—Paghanap ng Permanenteng Solusyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Posible Ba ang Isang Patas na Sistema ng Ekonomiya?
    Iba Pang Paksa
  • Ang Globalisasyon na Magiging Kapaki-pakinabang sa Iyo
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 11/8 p. 13

‘Nabigo ang Eksperimento’

SA DAIGDIG na ito na isang mabilis na lumiliit na pangglobong nayon, sinasabi na ang agwat sa pagitan ng mga may-kaya at mga walang-kaya ay lumalaki. Bilang komento sa mga pagsisikap na bumuo ng isang pangglobong ekonomiya, isang internasyonal na grupong aktibista ang nagpahayag: “Pagkaraan ng 50 taon ng eksperimentong ito, hindi ito matagumpay. Sa halip na magdulot ng mga kapakinabangan sa kabuhayan para sa lahat ng tao, dinala nito ang planeta sa bingit ng malaking kapahamakan sa kapaligiran, kaligaligan sa lipunan na hindi pa nangyari kailanman, kalituhan sa mga ekonomiya ng maraming bansa, paglawak ng kahirapan, gutom, kawalan ng lupa, pandarayuhan at kaguluhan sa lipunan. Ang eksperimento ay matatawag na ngayong isang kabiguan.”

Saan nagkamali? Kapag itinaguyod ng mga tao ang mapag-imbot na mga tunguhin, mas malamang na sila’y lumikha ng pinsala. Sinabi ng namumuhunan at kapitalistang si George Soros: “Pinangyayari ng negosyo na maging bilihin ang lahat ng bagay, kasali na ang mga tao (paggawa) at kalikasan (lupa).” May pananagutan din ang di-kasakdalan ng tao. Bilang pagsang-ayon sa mga opinyon ng pilosopong si Karl Popper, sinabi ni Soros: “Ang ating pagkaunawa ay likas na di-sakdal; ang ganap na katotohanan, ang sakdal na disenyo para sa lipunan, ay hindi natin kayang abutin.”

Tiyak na hindi bago ang di-pagkakapantay-pantay sa kabuhayan. Walong siglo bago kay Kristo, bumanggit ang isang manunulat ng Bibliya tungkol sa mga “nandaraya sa mga maralita, na naniniil sa mga dukha.” (Amos 4:1) Matapos masaksihan ang mga katulad na kawalang-katarungan, isang sinaunang estadista ang sumulat mga 3,000 taon na ang nakalipas: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”​—Eclesiastes 8:9.

Ano ang solusyon? Malulutas kaya ng mga ahensiya ng tao ang malulubhang di-pagkakapantay-pantay sa kabuhayan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga bansa? “Wala tayong sapat na internasyonal na mga organisasyon,” sabi ni Soros, “para pangalagaan ang mga kalayaan ng indibiduwal, mga karapatang pantao, at ang kapaligiran, o sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan​—bukod pa sa pagpapanatili ng kapayapaan. Karamihan sa mga umiiral na organisasyon ay mga samahan ng mga estado, at karaniwan nang inuuna ng mga estado ang kanilang sariling kapakanan kaysa sa kapakanan ng lahat. Sa batas, ang United Nations ay walang kakayahan na tuparin ang mga pangako na nasa paunang salita ng karta nito.”

Dapat ba tayong mawalan ng pag-asa? Hindi. Malapit na ang isang matuwid na pamahalaang pandaigdig! Iyon ang tema ng pangangaral ni Jesus. Tinawag niya iyon na “ang kaharian ng Diyos,” at tinuruan niya ang kaniyang mga tagasunod na ipanalangin ito. (Lucas 11:2; 21:31) Ang Kaharian ng Diyos ay itinatag na sa langit, at malapit na nitong alisin ang lahat ng kawalang-katarungan sa lupang ito. (Apocalipsis 11:15, 18) Sa halip na maging isang pansamantalang eksperimento sa pamamahala, ang Kaharian ng Diyos ay mananatili magpakailanman. (Daniel 2:44) Permanente nitong lulunasan ang mga suliranin sa kahirapan at paniniil. Tunay na isang kahanga-hangang pag-asa para sa mahirap at api​—ang totoo, para sa lahat!

[Larawan sa pahina 13]

Hindi nalutas ng pangglobong ekonomiya ang mga suliranin ng mahihirap​—bilyun-bilyon pa rin ang nabubuhay nang walang tubig sa gripo o elektrisidad

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share