Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 11/8 p. 31
  • Pang-aapi ng Tao sa Kapuwa Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pang-aapi ng Tao sa Kapuwa Tao
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kababaihan ng India—Patungo sa Ika-21 Siglo
    Gumising!—1995
  • Mga Indian ng Brazil—Nanganganib Maubos?
    Gumising!—2007
  • Kung Paano Naglaho ang Kanilang Daigdig
    Gumising!—1996
  • Anong Kinabukasan ang Naghihintay sa Kanila?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 11/8 p. 31

Pang-aapi ng Tao sa Kapuwa Tao

TINITIYAK ng takbo ng kasaysayan ang katotohanan ng Eclesiastes 8:9: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” O gaya ng binabanggit ng Katolikong Jerusalem Bible, “inaapi ng tao ang tao sa kaniyang ikasasakit.” Milyun-milyong tao ang dumaranas ng kawalang-katarungan, at naging ganito ang kalagayan sa halos lahat ng iba’t ibang anyo ng pamahalaan na naranasan ng tao. Isang paalaala sa pagdurusang ito ang binanggit sa isang pahayag ng katulong na kalihim para sa Kapakanan ng mga Indian ng U.S. Department of Interior noong ika-175 anibersaryo ng pagtatatag sa Tanggapan Para sa Kapakanan ng mga Indian.

Sinabi niya na sa halip na ito’y pagdiriwang, ito’y “panahon upang banggitin ang nakalulungkot na mga katotohanan, panahon ng pagsisisi.” Inamin niya na ang unang misyon ng institusyon noong dekada ng 1830 ay ang alisin ang mga tribong bansa sa timog-silangan​—ang Cherokee, Creek, Choctaw, Chickasaw, at Seminole​—mula sa kanilang mga lupain. “Sa pamamagitan ng pagbabanta, pandaraya, at dahas, ang mga pangunahing tribong bansang ito ay pinagmartsa ng 1,600 kilometro pakanluran, anupat iniwan ang kanilang libu-libong matatanda, anak at maysakit sa mga libingang madaliang hinukay sa Daan ng mga Luha.”

Nagpatuloy siya: “Gayunman, sa mga panahong ito ng higit na kaliwanagan, dapat tanggapin na ang kusang pagpapalaganap ng sakit, ang paglaho ng mga pangkat ng malalakas na bison, ang paggamit ng nakalalasong inuming de-alkohol upang sirain ang pag-iisip at pangangatawan, at ang duwag na pagpatay sa mga babae at sa mga bata ay nagbunga ng trahedya sa antas na talagang nakapanghihilakbot anupat hindi lamang maituturing na bunga ng di-maiiwasang alitan ng dalawang magkaribal na paraan ng pamumuhay.”a Inamin niya: “Ang ahensiyang ito ay nakatalagang lipulin ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa mga Indian. Ipinagbawal ng ahensiyang ito ang pagsasalita ng mga wikang Indian . . . at nagpangyari sa mga taong Indian na ikahiya kung sino sila. Ang pinakamasahol sa lahat, ginawa ng Kawanihan Para sa Kapakanan ng mga Indian ang mga pagkilos na ito laban sa lahat ng bata na ipinagkatiwala sa mga boarding school, anupat may-pagmamalupit na pinakitunguhan sila sa emosyonal, sikolohikal, pisikal, at espirituwal na paraan.”

Nagwakas siya sa pagsasabing: “Magsimula tayo sa pamamagitan ng paghahayag ng ating taimtim na kalungkutan sa ginawa ng ahensiyang ito noon. . . . Hindi na muli kami masasangkot sa pagnanakaw ng ari-arian ng mga Indian. . . . Hindi na muli namin tutuligsain ang inyong mga relihiyon, ang inyong mga wika, ang inyong mga ritwal, o alinman sa inyong mga paggawi sa tribo.” Kapansin-pansin na sinabi niya: “Sama-sama nating pahirin ang mga luha ng pitong salinlahi. Sama-sama nating pahintulutang gumaling ang ating mga wasak na puso.”​—Vital Speeches of the Day, Oktubre 1, 2000.

Ang tanging totoo at magtatagal na solusyon sa mabagsik na pakikitungo ng tao sa kapuwa tao ay ang Kaharian ng Diyos, na siyang magbabalik ng katarungan para sa lahat at ‘papahid sa bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’​—Apocalipsis 21:3, 4.

[Talababa]

a Tinitiyak ng kasaysayan ng mga Amerikanong Indian na ang mga tribo ay madalas na may alitan sa isa’t isa, kaya ang labanan “para sa teritoryo, mga kabayo, at mga bupalo ay naging walang-tigil.”​—The People Called Apache.

[Picture Credit Lines sa pahina 31]

Indian: Gawang-sining salig sa litratong kinuha ni Edward S. Curtis; Mapa: Mountain High Maps® Copyright © 1997 Digital Wisdom, Inc.; Mga tirahan ng Indian: Leslie’s

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share