Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 12/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Paano Ako Higit na Mapapalapít sa Aking mga Lolo’t Lola?
    Gumising!—2001
  • Bakit Dapat Kong Makilala ang Aking mga Lolo’t Lola?
    Gumising!—2001
  • Paano Ako Makikibagay Ngayong Kapisan Na Namin ang Aking mga Nuno?
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 12/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkatapon sa Siberia Nais kong ipahayag ang aking masidhing pagpapahalaga sa kuwento ni Fyodor Kalin sa seryeng “Relihiyon sa Russia​—Ano ang Kinabukasan Nito?” (Abril 22, 2001) Nakaaantig ng damdaming mabasa ang tungkol sa pagkakatapon ng kaniyang pamilya sa Siberia at sa kung paano sila nanatiling tapat at nagagalak kahit noong panahon ng pinakamahirap na mga kalagayan. Nagkaroon ako ng pribilehiyong dumalaw sa ilan sa ating mga kapatid na Kristiyano sa Moldova mga ilang taon na ang nakalilipas, at hinding-hindi ko malilimutan ang kanilang mga kuwento tungkol sa pagpapatapon sa kanila sa Siberia. Ang kanilang pananalig kay Jehova at ang kanilang pananampalataya ay nagpatibay-loob sa akin na manatiling tapat.

G. F., Sweden

Bingi at Bulag Salamat sa artikulo hinggil kay Janice Adams, “Bagaman Bingi at Bulag, Nakasumpong Ako ng Katiwasayan.” (Abril 22, 2001) Hindi ko kailanman inaakala na ako’y labis na mapatitibay-loob ng isang taong bingi at bulag. Kaming mag-asawa ay nakikipagpunyagi sa maraming karamdaman, kapuwa sa pisikal at emosyonal na paraan. Ang mga artikulong gaya nito ay nagbibigay sa amin ng panibagong pananampalataya na magbata hanggang sa wakas.

P. G., Estados Unidos

Madalas na binabale-wala natin ang taglay natin, marahil ay lumiliban sa isang pulong Kristiyano dahil sa kaunting sakit ng ulo. Subalit kahit na si Janice ay may mga dahilan upang manatili sa bahay​—gaya ng kaniyang panlulumo at pag-abuso na dinanas niya​—umasa siya kay Jehova upang mabigyan siya ng kinakailangang lakas na makapamuhay nang aktibo sa espirituwal na paraan.

C. D., Italya

Ako’y may mahusay na kalusugan, kaya ang karanasan ko ay naiiba sa karanasan ni Janice. Subalit dahil sa pananakot na naranasan ko noong ako’y nasa elementarya, madalas akong dumanas ng panlulumo. Madalas akong umiyak at talagang hindi maganda ang nadarama ko. Tumanggap ako ng pampatibay-loob mula sa mga kapuwa Kristiyano at suporta mula sa aking mga magulang. Magkagayon man, pinasasalamatan ko kayo mula sa aking puso dahil sa kuwento ni Janice Adams. Nagbigay ito sa akin ng tibay ng loob.

M. T., Hapón

Mga Lolo’t Lola Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Dapat Kong Makilala ang Aking mga Lolo’t Lola?” (Abril 22, 2001) Kami ng lola ko ay talagang malapít sa isa’t isa. Nang magdiborsiyo ang aking mga magulang, marami akong katanungan at madalas akong umiyak. Laging naroroon ang aking lola upang tumulong sa akin. Isinasama niya ako sa pangangaral, anupat ikinikintal sa akin ang pag-ibig sa ministeryo. Sumunod ako sa kaniyang mga yapak sa pagiging isang buong-panahong ebanghelisador apat na taon na ang nakalipas. Kahit na pagkatapos niyang magkaroon ng Alzheimer’s disease at hindi na ako nakikilala, nagniningning ang kaniyang mga mata kapag binabasa ko sa kaniya ang mga kasulatan tungkol sa Paraiso. Namatay siya noong Setyembre 2000. Maraming salamat sa pagtuturo ninyo sa mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng ating mga lolo’t lola.

C. R., Estados Unidos

Sampung taon nang diborsiyado ang aking mga magulang. Dahil sa gusto kong maging matapat sa aking ina, pinutol ko ang aking pakikipag-ugnayan sa pamilya ng aking ama. Subalit pagkatapos kong mabasa ang mga artikulong ito, naunawaan ko ang kahalagahan at mga kapakinabangan ng pagkakaroon ng mabuting kaugnayan sa aking mga lolo’t lola. Dahil sa mga artikulong ito, mayroon na ako ngayong salig-Bibliyang mga mungkahi upang linangin ang kaugnayang iyon.

G. V., Estados Unidos

Bagaman hindi mga Kristiyano ang aking mga lolo’t lola sa ama at ina, mayroon akong mabuting kaugnayan sa kanila. Mayroon din akong isang “lola” sa loob ng kongregasyon​—isang Kristiyanong kapatid na babae na lampas na sa edad 65. Kapag may problema ako, binabasa niya sa akin ang Bibliya at pinatitibay-loob niya ako. May mga pagkakataong hinahawakan niya lamang ang aking kamay o inaakbayan ako. Kung minsan, parang nadarama kong magkasing-edad lang kami.

M. K., Hapón

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share