Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 9/8 p. 3
  • Ikaw at ang mga Numero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikaw at ang mga Numero
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Dapat Ka Bang Umasa sa mga Numero Ukol sa Patnubay?
    Gumising!—2002
  • Ang Pang-akit ng mga Numero
    Gumising!—2002
  • Ano ang Kahulugan ng mga Numero sa Bibliya? Nasa Bibliya ba ang Numerolohiya?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subukan Nating Sumulat sa Hankul!
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 9/8 p. 3

Ikaw at ang mga Numero

MAY natatago bang lihim ang mga numero? “Siyempre!” ang bulalas ng ilan sabay pagbanggit sa isang kapansin-pansing halimbawa​—ang pagsalakay ng mga terorista noong Setyembre 11, 2001.

“Nang marinig ko ang balita,” ang sabi ng isang numerologo, “napansin ko agad ang petsa: 9-11-2001.” Ang numerong 11 ay karaniwan nang itinuturing na isa sa mga “pinakasusing numero” ng mga numerologo. Kaya ang mga tagapagtaguyod ng numerolohiya ay nakabuo ng isang listahan ng iba’t ibang bagay na nauugnay sa pagsalakay ng mga terorista na tumutukoy sa “pinakasusing numero” na 11. Ito ay ilan lamang sa kanilang natuklasan:

■ Naganap ang trahedya sa petsang 9/11. 9 + 1 + 1 = 11.

■ Ang Setyembre 11 ay ika-254 na araw ng taóng iyon. 2 + 5 + 4 = 11.

■ Ang eroplanong ibinangga sa north tower ay Flight 11.

■ Ang eroplanong iyon ay may sakay na 92 katao. 9 + 2 = 11.

■ Ang eroplanong ibinangga sa south tower ay may 65 pasahero. 6 + 5 = 11.

■ Ang Twin Towers ay kahawig ng numerong 11.

■ Ang pananalitang Ingles na “New York City” ay may 11 letra.

Ang numerolohiya​—kung saan iniuugnay ang pantanging kahulugan sa mga bilang, sa mga kombinasyon nito, at sa mga kabuuan nito​—ay laganap na sa Aprika, Asia, at sa mga lupain sa Amerika. Bakit naaakit ang mga tao rito? Ayon sa isang Web site, ang pagbibigay-kahulugan sa mga letra ng alpabetong ginagamit sa mga pangalan​—isang popular na aspekto ng numerolohiya​—ay “nagbibigay ng tumpak na impormasyon hinggil sa personalidad, disposisyon, mga katangian at mga kapintasan ng isa.” Ayon sa reperensiyang ito, ang pag-aaral hinggil sa “petsa ng ating kapanganakan ay nagsisiwalat ng buhay na ating tatahakin, lakip na ang kagalakan at daranasin na mga pagsubok.”

Totoo kaya ang mga pag-aangking ito? O baka may nakatagong mga panganib sa metapisikong pag-aaral ng mga numero?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share