Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 9/8 p. 31
  • Mabisang Paggamit sa Gumising!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabisang Paggamit sa Gumising!
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Nakakapigil sa Akin na Magpabautismo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Ang Diyos ang Nagpapalago Nito sa Alaska
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kapag Namatay ang Mahal sa Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • “Nakita Ko, Pero Hindi Ko Maintindihan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 9/8 p. 31

Mabisang Paggamit sa Gumising!

SA GULANG na 16, si Vanessa, isang Saksi ni Jehova sa Estados Unidos, ay kinailangang sumulat ng isang report para sa paaralan hinggil sa paksang anorexia. “Nagsaliksik ako,” ang sabi niya, “ngunit paunti-unti lamang ang nasumpungan kong impormasyon. Ipinakipag-usap ko ito sa aking mga magulang, at iminungkahi nilang hanapin ko ang paksa sa ating mga publikasyon.”

Dahil sa pagsasaliksik sa mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova, nakasumpong si Vanessa ng saganang impormasyon para sa kaniyang report. “Subalit ito’y bahagi lamang ng atas,” ang sabi niya. “Kailangan ko ring magbigay ng bibigang presentasyon sa harap ng guro at ng 20 estudyante!” Paano maisasakatuparan ni Vanessa ang mahirap na atas na ito?

Tulad ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig, tumatanggap si Vanessa ng pagsasanay para sa pangmadlang pagpapahayag sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, na idinaraos sa lokal na Kingdom Hall. “Sa pamamagitan ng paaralang ito, handang-handa kaming makibahagi sa ministeryo at makipag-usap sa iba,” ang sabi ni Vanessa. “Tumatanggap din kami ng payo kung ano ang kailangan naming pasulungin upang lalo kaming maintindihan ng mga tao.” Ano ang resulta ng masikap na paggawa ni Vanessa sa kaniyang report sa paaralan? “Natanggap ko ang pinakamataas na marka,” ang sabi niya.

Si Vanessa ay isa sa maraming kabataan na mabisang gumagamit sa salig-Bibliyang mga publikasyon at sa iba pang espirituwal na pagsasanay. Ang gayong mga kabataan ay dapat papurihan, sapagkat sinusunod nila ang payo sa Eclesiastes 12:1: “Alalahanin mo ngayon ang iyong Dakilang Maylalang sa mga araw ng iyong kabinataan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share