Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 12/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2003
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2003
  • Subukan Nating Sumulat sa Hankul!
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 12/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pandaigdig na Kapayapaan Napakahusay ng pagkakasulat ng seryeng “Isang Panaginip Lamang ba ang Pandaigdig na Kapayapaan?” (Mayo 8, 2002) Dapat itong basahin ng lahat ng pulitiko. Napakalinaw na ipinahiwatig ng inyong mga publikasyon kung ano ang dapat malaman ng isang tao at kung paano siya dapat mamuhay.

J. S., Czech Republic

Ang Pagkukusa ng Isang Kabataan Matagal ko nang gustong sabihin sa inyo kung gaano ko lubhang pinahahalagahan ang mga magasin, at sa wakas ay nagpasiya akong gawin iyon pagkabasa ko sa artikulong “Ginantimpalaan ang Kaniyang Pagkukusa.” (Mayo 8, 2002) Naranasan ko kamakailan ang katulad ng naranasan ni Stella. Nakatutuwang malaman na may mga kabataan sa buong daigdig na tulad kong inuuna si Jehova sa kanilang buhay. Ang mga karanasang gaya nito ay nakapagpapatibay sa lahat, kapuwa sa bata’t matanda.

L. P., Estados Unidos

Mga Hayop Katatapos ko pa lamang basahin ang artikulong “Kilalanin ang Mahiwagang Snow Leopard.” (Mayo 8, 2002) Gustung-gusto ko ang mga nilalang na ginawa ni Jehova, lalo na ang mga mabalahibo! Nakagagalit sa akin na mabasang kakaunti na lamang ang natitirang mga leopardo. Isipin na lamang kung ano ang nadarama ni Jehova hinggil dito.

D. R., Estados Unidos

Hankul Ako po’y 13 anyos, at nagustuhan ko po ang artikulong “Subukan Nating Sumulat sa Hankul!” (Mayo 8, 2002) Simula po nang matuto akong bumasa, naging lubhang interesado po ako sa mga wikang banyaga. Inaasahan ko pong maglalathala kayo ng marami pang mga artikulo tungkol sa mga wikang banyaga sa hinaharap!

B. J., Estados Unidos

Ako po’y 11 taóng gulang, at ang nasumpungan kong kahanga-hanga sa Hankul ay na maaari itong gamitin sa mga salitang hindi Koreano. Madali pong maunawaan ang ideya. Salamat po sa paglalathala ng artikulong ito!

J. I., Estados Unidos

Mga Gagamba Wiling-wili ako sa artikulong “Isang Gagamba na Nagbabalatkayong Isang Langgam.” (Abril 22, 2002) Talagang kamangha-manghang Maylalang si Jehova! Umaasa ako sa buhay sa bagong sanlibutan, kung kailan higit ko pang matututuhan ang mga bagay na kaniyang nilalang.

P. P., Sri Lanka

Mga Barko Para sa mga Bilanggo Nasisiyahan ako sa pagbabasa sa inyong mga magasin sa loob ng mahigit 50 taon na. Nabasa ko kamakailan ang artikulong “Ang Kahiya-hiyang Panahon ng mga Bilanggo sa Australia.” (Abril 22, 2002) Sa pahina 13, binanggit ninyo na ang Britanong barko ng mga bilanggo na Amphitrite ay lumubog noong 1883. Sa palagay ko, mali ito. Ayon sa aking pananaliksik, ang barko ay aktuwal na lumubog noong Agosto 1833. Iyan ay sa loob ng panahon ng mga bilanggo na tinalakay sa artikulo, na natapos noong 1868.

D. B., Scotland

Sagot ng “Gumising!”: Binabanggit ng pinagkunan ng aming artikulo na lumubog nga ang “Amphitrite” noong 1833. Humihingi kami ng paumanhin sa aming pagkakamali.

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong Salamat sa paglalathala ng artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Kung Makatagpo Ako ng Isang Kaeskuwela Habang Ako’y Nangangaral?” (Pebrero 22, 2002) Maraming taon na ang nakalipas, ako ay isang napakamahiyaing tin-edyer na lalaki na may problema sa pagkautal. Mahirap para sa akin ang ministeryo, lalo na kapag nakatagpo ko ang aking mga kaeskuwela. Alam kong makatutulong nang malaki ang artikulong ito sa iba pang mga kabataan.

W. T., Estados Unidos

Magaling na Payo Salamat sa pagbibigay ng gayong sagana at nakapagtuturong babasahin. Napakaraming paksa ang sinasaklaw ng inyong mga artikulo, at di-gaya ng maraming publikasyon, napananatili ng inyong magasin ang isang walang-kinikilingan at magalang na saloobin sa mga paniniwala ng iba. Ang Gumising! ay naging isang malapít at di-mahihiwalayang kaibigan, isang pinagmumulan ng magaling na payo na tumutulong sa akin na harapin ang mga suliranin sa buhay na taglay ang pag-asa.

N. P., Brazil

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share