Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g04 9/8 p. 31
  • Mandirigmang Naging Tagapamayapa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mandirigmang Naging Tagapamayapa
  • Gumising!—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2003
  • Mula sa Nakamamatay na Misyon Tungo sa Pagtataguyod ng Kapayapaan
    Gumising!—2002
  • Paghahayag ng Pagbabalik ng Panginoon (1870-1914)
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Trahedya sa Rwanda—Sino ang May Pananagutan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Gumising!—2004
g04 9/8 p. 31

Mandirigmang Naging Tagapamayapa

ANG isyu ng Disyembre 8, 2002, ng Gumising! ay naglalaman ng karanasan ni Toshiaki Niwa, isang dating pilotong Hapones na sinanay para sa misyong kamikaze noong Digmaang Pandaigdig II. Isinaysay ni Niwa na noong Agosto 1945, nasa himpilan siya ng eroplano ng hukbong-panghimpapawid malapit sa Kyoto na naghihintay ng utos para sa pagpapatiwakal na pagsalakay sa mga sasakyang pandagat ng Estados Unidos. Hindi na dumating ang utos na iyon, sapagkat pagkalipas lamang ng ilang araw, natapos na ang digmaan. Pagkalipas ng ilang taon, nagsimulang makipag-aral ng Bibliya si Niwa sa mga Saksi ni Jehova. Natutuhan niya na ang mga nais makalugod sa Diyos ay hindi nakikibahagi sa digmaan. Talagang iginagalang nila ang mga kapuwa-tao, saanman sila nakatira o anuman ang kanilang bansang pinagmulan. (1 Pedro 2:17) Si Niwa, na dating mandirigma, ay isa na ngayong tagapamayapa na ibinabahagi sa iba ang nagbubuklod na mensahe ng Salita ng Diyos.

Naantig si Russell Werts, mula sa Estados Unidos, sa kuwento ni Niwa, sapagkat siya man ay nakipaglaban sa digmaan ding iyon​—subalit sa kabilang panig. “Binanggit mo na noong Agosto 1945, malapit ka sa Kyoto na hinihintay ang paparating na pagsalakay,” ang sulat ni Werts sa isang liham kay Niwa. “Nang panahon ding iyon, nasa huling mga yugto na ako ng aking pagsasanay para sa pagsalakay na iyon. Kung hindi natapos ang digmaan noon, malamang na tayong dalawa ay namatay sa magkabilang panig ng digmaang iyon. Katulad mo at ng iyong pamilya, kaming mag-asawa ay naging mga Saksi ni Jehova nitong dakong huli. Napakasayang malaman na tayo na dating magkaaway at determinadong patayin ang isa’t isa ay hindi lamang magkaibigan kundi magkapatid na ngayon!”

Tulad nina Toshiaki Niwa at Russell Werts, maraming mortal na mga magkaaway noon ang namumuhay na ngayon sa kapayapaan at pagkakaisa sapagkat pinag-aaralan at ikinakapit nila ang Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kabilang sa mga Saksi ni Jehova ang mga Judio at Arabe, Armeniano at Turko, Aleman at Ruso, Hutu at Tutsi, na pinatutunayan ang kanilang mga sarili bilang tunay na mga Kristiyano. Oo, sinabi ni Jesus: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.”​—Juan 13:35.

[Mga larawan sa pahina 31]

Sina Toshiaki Niwa at Russell Werts noong Digmaang Pandaigdig II

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share