Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/06 p. 30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2006
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Higanteng Pusit ang Nakunan ng Litrato
  • “Kumakain Pala ng Damo ang mga Dinosauro”
  • Paano Lumilipad ang mga Bubuyog?
  • Kumakantang mga Daga
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa mga Dinosaur?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Iba’t Ibang Hugis at Laki ng mga Dinosauro
    Gumising!—1990
  • Mga Dambuhala sa Kalaliman ng Dagat
    Gumising!—2009
  • Kilalanin ang mga Pukyutan na Walang Tibo sa Australia
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2006
g 9/06 p. 30

Pagmamasid sa Daigdig

◼ “Ang laot ang pinakamalaking tirahan sa buong planeta. At ang isa sa pinakamahirap pamahayan . . . Pero kahit saan tayo tumingin, may nabubuhay, kung minsan ay pambihira pa nga ang dami.”​—NEW SCIENTIST, BRITANYA.

◼ Sa isang kamakailang kaso, isang pederal na hukom sa korte sa Harrisburg, Pennsylvania, E.U.A. ang nagpasiyang “labag sa konstitusyon na ituro sa mga klase sa siyensiya sa pampublikong paaralan [ang tungkol sa matalinong disenyo] bilang kahalili ng ebolusyon.”​—NEW YORK TIMES, E.U.A.

◼ Ayon sa isang surbey na pambalita noong 2005, “51 porsiyento ng mga Amerikano ang hindi naniniwala sa teoriya ng ebolusyon.”​—NEW YORK TIMES, E.U.A.

◼ Sa edad na 175, si Harriet, 150 kilong higanteng pawikan mula sa Galápagos na nasa zoo sa Brisbane, Australia, ang “pinakamatandang kilalang nabubuhay na hayop sa buong daigdig.”​—AUSTRALIAN BROADCASTING CORPORATION.

◼ Natuklasan ng Swisong mga mananaliksik kung paano naipagsasanggalang ng ilang maize (uri ng mais) ang kanilang sarili sa mga rootworm ng mais mula sa kanluran. Naglalabas ang mga ito ng amoy sa lupa. Umaakit naman ito ng maliliit na threadworm na pumapatay sa uod ng rootworm.​—DIE WELT, ALEMANYA.

Isang Higanteng Pusit ang Nakunan ng Litrato

Malapit sa Bonin Islands, sa gawing timog ng Hapon, nakunan ng litrato ng mga siyentipiko sa kauna-unahang pagkakataon ang isang buháy at mailap na higanteng pusit. Nagpain sila ng maliliit na pusit at hipon at nagbitin ng kamera sa ibabaw nito. Ang higanteng pusit na lumabas mula sa lalim na 900 metro ay tinatayang mga 8 metro ang haba.

“Kumakain Pala ng Damo ang mga Dinosauro”

“Laking gulat ng mga siyentipiko” na matuklasang “kumakain pala ng damo ang mga dinosauro,” ang sabi ng ulat ng Associated Press. Natuklasan ito nang suriin ang fosil na dumi ng sauropod na natagpuan sa India. Bakit sila nagulat? Inakala nila noon na “tumubo lamang ang mga damo pagkalipas ng matagal na panahon pagkamatay ng mga dinosauro,” ang paliwanag ng ulat. Inakala rin na ang mga sauropod ay “walang pantanging mga ngipin na kailangan para manguya ang matitigas na mga dahon.” Ganito ang sabi ng botaniko ng mga halamang fosil na si Caroline Stromberg, ang nanguna sa grupo na nakatuklas nito: “Hindi inakala ng maraming tao na nakakakain pala ng damo ang mga [sauropod].”

Paano Lumilipad ang mga Bubuyog?

Pabirong sinasabi na napatunayan ng mga inhinyero na hindi nakalilipad ang mga bubuyog. Ang gayong “mabibigat” na insekto, na maikli ang kampay ng pakpak, ay walang sapat na puwersa para makalipad. Upang malaman ang sekreto ng mga insektong ito, “kinunan ng video [ng mga inhinyero] ang lumilipad na mga bubuyog sa bilis na 6000 frame bawat segundo,” ang sabi ng New Scientist. Sinasabing “kakaiba” ang teknik ng mga bubuyog. “Kumakampay palikod ang pakpak sa kurbang 90 digri, saka bumabalik paharap habang umiikot​—nang 230 ulit bawat segundo. . . . Para itong elisi, na ang pinakadahon ay umiikot din,” ang paliwanag ng isang miyembro ng grupo ng mga mananaliksik. Baka makatulong sa mga inhinyero ang kanilang natuklasan para mabago ang disenyo ng mga elisi at gawing mas madaling imaniobra ang mga sasakyang panghimpapawid.

Kumakantang mga Daga

“Kumakanta ang mga daga, at . . . ang awitin ng mga ito sa kanilang nililigawan ay halos kasinsalimuot ng awitin ng mga ibon,” ang ulat ng New Scientist. Ang tono ng mga awitin ng daga ay may ultrasonic frequency o napakataas kung kaya hindi ito naririnig ng tao​—malamang na dahilan kung bakit hindi ito napapansin noon. Natuklasan ng mga mananaliksik sa St. Louis, Missouri, E.U.A., na ang awitin ng lalaking mga daga ay “may sunud-sunod na notang lumilikha ng himig at paulit-ulit, anupat tumutugma sa katuturan ng ‘awit.’” Kaya naman, napabilang ang mga daga sa isang pantanging kategorya. Ang iba pang mamalya na kilalang umaawit ay mga balyena, lumbalumba, ilang uri ng paniki at, siyempre pa, mga tao.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share