Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 5/09 p. 25
  • Harpy Eagle—Maninila sa Maulang Kagubatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Harpy Eagle—Maninila sa Maulang Kagubatan
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nanganganib na Ibon
  • Pumapailanlang na May mga Pakpak Tulad ng Agila
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Agila
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Mata ng Agila
    Gumising!—2002
  • Mga Agila o mga Buwitre?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Gumising!—2009
g 5/09 p. 25

Harpy Eagle​—Maninila sa Maulang Kagubatan

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA ECUADOR

◼ Siguradong humanga ang mga manggagalugad noon sa Timog Amerika nang makita nila ang malaking ibong ito. Gulat na gulat sila kaya tinawag nila itong harpy​—pangalan ng isang nakakatakot na babaing halimaw na kalahating-ibon kalahating-tao ng mitolohiyang Griego.

Hanggang ngayon, hangang-hanga pa rin ang mga tao sa kakaibang hitsura ng harpy eagle. Ang ibong ito na matatagpuan sa maulang kagubatan ng Sentral at Timog Amerika ang pinakamalaki at pinakamalakas na agila sa buong daigdig. Umaabot nang 91 sentimetro ang taas nito at hanggang 2 metro ang lapad ng mga pakpak nito kapag nakabuka. Mas malalaki ang mga babaing harpy at umaabot nang siyam na kilo ang bigat nito.

Akmang-akma sa laki ng harpy eagle ang malalakas na kuko nito na umaabot nang 13 sentimetro ang haba, dalawang beses na mas mahaba kaysa sa kuko ng bald-eagle. Bukod diyan, ayon sa National Geographic Today, sa lakas ng kuko ng harpy eagle, kaya nitong durugin “ang mga buto ng sloth, unggoy, at iba pang hayop na dinadagit ng agila mula sa tuktok ng mga punungkahoy sa maulang kagubatan, anupat kadalasan nang patay agad ang mga biktima nito.” Pero kahit napakalaki at napakalakas ng agilang ito, walang kaingay-ingay ang paglipad nito kaya hindi namamalayan ang pagdaan nito.

Nanganganib na Ibon

Walang dapat ikatakot ang mga tao sa harpy eagle​—sila ang takót sa mga tao. Dahil sa ilegal na pangangaso at pagsira sa kagubatan na tirahan ng mga ito, nanganganib na silang malipol, at bihira nang makakita ng ganitong ibon sa ilang. Sa pagsisikap na iligtas ang mga harpy eagle, ginawa itong pambansang ibon sa Panama, at mabigat ang parusa sa sinumang mahuling ilegal na nangangaso.

Sinisikap din ng Ecuador na iligtas ang kanilang mga harpy eagle. Sa isang interbyu ng Gumising!, sinabi ng beterinaryong si Dra. Yara Pesantes ng Guayaquil Historic Park na makapagpaparami lamang ang mga harpy eagle kapag umabot na ito nang apat o limang taóng gulang. Bukod diyan, kada dalawang taon sila kung mangitlog​—isa o dalawang itlog lamang sa bawat pagkakataon. Dahil mabagal silang magparami, isang hamon ang pagsagip sa kanila. Pero ayon kay Dra. Pesantes, isang malusog na sisiw ang inaalagaan ngayon sa parke.

Gayunman, malapit nang dumating ang panahon na hindi na kailangang sagipin ng mga tao ang mga hayop. Bakit? Lubusang kokontrolin ng Maylalang, ang Diyos na Jehova, ang buong lupa at patutunayan na ginawa niya ang ating planeta at ang kahanga-hangang mga nilalang para manatili magpakailanman.​—Awit 104:5; Isaias 45:18.

[Larawan sa pahina 25]

Lalagyan ng tag ang agila

[Credit Line]

Pete Oxford/Minden Pictures

[Picture Credit Line sa pahina 25]

Tui De Roy/Roving Tortoise Photos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share