Ano ang Sagot Mo?
Ano ang Kulang sa Larawang Ito?
Basahin ang Bilang 22:21-27. Ngayon, tingnan mo ang larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot, at para makumpleto ang larawan, kulayan ito at idrowing ang nawawalang mga bagay.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Bakit nagalit si Balaam? Ano ang masasabi mo sa ginawa ni Balaam sa kaniyang asnong babae, at bakit?
Mula sa Isyung Ito
Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
PAHINA 7-8 Ano ang magiging resulta ng pagkatakot sa tao? Kawikaan 29:․․․
PAHINA 7 Saan lumalakad ang mga hangal? Eclesiastes 2:․․․
PAHINA 7 Ano ang ibubunga ng mga plano ng masikap? Kawikaan 21:․․․
PAHINA 22 Ano ang nalalaman ng mga patay? Eclesiastes 9:․․․
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Kilala Mo ba ang mga Propeta?
Basahin ang Jeremias 38:1-13; 39:15-18. Saka sagutin ang sumusunod na mga tanong.
4. ․․․․․
Sino ang nagligtas kay Jeremias, at bakit niya ito ginawa kahit na mapanganib?
5. ․․․․․
Bandang huli, ano ang sinabi ni Jeremias sa lalaking iyon?
PARA SA TALAKAYAN:
Bakit ipinahayag ni Jeremias ang mensahe ni Jehova kahit na delikadong gawin ito? Kung naglilingkod ka kay Jehova na gaya ni Jeremias, ano ang natitiyak mong gagawin ni Jehova para sa iyo?
◼ Nasa pahina 27 ang mga sagot
MGA SAGOT SA PAHINA 31
1. Asnong babae.
2. Baston ni Balaam.
3. Anghel ni Jehova.
4. Ebed-melec. Alam niyang propeta ni Jehova si Jeremias at hindi siya dapat patayin.
5. Ililigtas ni Jehova si Ebed-melec kapag winasak ang Jerusalem.