Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Mali sa Larawang Ito?
Basahin ang Gawa 9:36-41. Anong tatlong bagay ang mali sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot at kulayan ang larawan.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang isa pang pangalan ni Tabita, at ano ang kahulugan ng mga pangalan niya?
CLUE: Basahin ang unang parapo sa pahina 67 ng aklat na ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos.’
Makasarili ba si Tabita? Ipaliwanag.
CLUE: Basahin ang Gawa 9:36, 39.
Paano nagkatotoo kay Tabita ang sinabi ni Jesus sa Lucas 6:38? Paano mo siya matutularan?
CLUE: Basahin ang Efeso 4:28; Santiago 2:14-17.
PARA SA PAMILYA:
Isipin ng bawat miyembro ng pamilya kung sino ang gusto niyang bigyan ng regalo. Gumawa ng isang simpleng regalo para sa kaniya. Halimbawa, gumawa ng isang card o bookmark na may teksto mula sa Bibliya.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 7 PEDRO
MGA TANONG
A. Bakit nagsimulang lumubog si Pedro?
B. Tama o mali? Hindi nag-asawa si Pedro.
C. Nang ang mga apostol ay pagbawalang mangaral ng mga lider ng relihiyon, sumagot si Pedro at ang iba pang apostol: “Dapat naming . . . ”
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
1 C.E.
Nabuhay noong unang siglo C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Tumira sa Betsaida at Capernaum
GALILEA
Capernaum
Betsaida
Dagat ng Galilea
PEDRO
MAIKLING IMPORMASYON
Masipag na mangingisda na naging isa sa mga unang alagad ni Jesus. Pinili ni Jesus si Pedro para maging isa sa 12 apostol, o isinugo. Sa lahat ng apostol, ang mga sinabi ni Pedro ang pinakamadalas banggitin sa apat na Ebanghelyo. Lubusan siyang ginamit ni Jehova para mangaral at para ‘palakasin ang kaniyang mga kapatid.’—Lucas 22:32; Marcos 3:13-19.
MGA SAGOT
A. Nag-alinlangan siya.—Mateo 14:28-31.
B. Mali.—Marcos 1:29-31; Juan 1:42; 1 Corinto 9:5.
C. “. . . sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”—Gawa 5:18, 27-29.
Mga Tao at mga Lugar
4. Ako si Antonia, walong taóng gulang. Nakatira ako sa Chile sa Timog Amerika. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Chile? Ito ba ay 69,500, 96,500, o 106,500?
5. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Chile.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
● Nasa pahina 23 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. Nakaluhod si Pedro nang manalangin siya.
2. Mga kasuutang ginawa ni Tabita, hindi kagamitang luwad, ang ipinakita ng mga babaing balo kay Pedro.
3. Nag-iisa lang si Pedro sa silid nang manalangin siya.
4. 69,500.
5. B.