Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 1/12 p. 16-18
  • Kapag Parang Ayaw Mo Nang Mabuhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Parang Ayaw Mo Nang Mabuhay
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi Ka Nag-iisa!
  • Kapag Higit Pa ang Kailangan
  • Tapusin Ko Na Lang Kaya ang Buhay Ko?
    Gumising!—2008
  • Ano Kaya Kung Magpakamatay Na Lang Ako?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Gusto Ko Nang Mamatay—Matutulungan Ba Ako ng Bibliya Kapag Naiisip Ko Ito?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Makasusumpong Ka ng Tulong
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2012
g 1/12 p. 16-18

Kapag Parang Ayaw Mo Nang Mabuhay

TAUN-TAON, libu-libo ang nagtatangkang magpakamatay sa Estados Unidos pa lang. Sinasabi ng Bibliya ang isang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Binabanggit doon na nabubuhay tayo sa “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” Ang mga tao ay lubhang nabibigatan sa kanilang mga problema. (2 Timoteo 3:1; Eclesiastes 7:7) Kapag hindi na makayanan ng isang tao ang mga kabalisahan, baka maisip niyang magpakamatay para matakasan ang paghihirap ng kaniyang kalooban. Ano ang puwede mong gawin kung sumasagi iyan sa isip mo?

Hindi Ka Nag-iisa!

Kahit parang wala nang kapag-a-pag-asa ang sitwasyon mo, tandaan na hindi ka nag-iisa at nakalulungkot na halos lahat ng tao sa ngayon ay nakakaranas ng problema. Sinasabi ng Bibliya: “Ang buong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama.” (Roma 8:22) Maaaring sa ngayon, parang walang kalutasan ang problema mo; pero sa paglipas ng panahon, kadalasan nang bumubuti ang sitwasyon. Samantala, ano ang makatutulong sa iyo?

Sabihin ang iyong nadarama sa isang may-gulang at pinagkakatiwalaang kaibigan. Ang sabi ng Bibliya: “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.” (Kawikaan 17:17) Halimbawa, ang matuwid na taong si Job ay nagsabi sa iba tungkol sa kaniyang ikinababahala. Nang makadama siya ng ‘pagkarimarim sa kaniyang buhay,’ sinabi niya: “Ako ay magbubulalas ng aking pagkabahala tungkol sa aking sarili. Ako ay magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa!” (Job 10:1) Ang pagsasabi sa iba ng iyong nadarama ay makapagpapagaan ng kalooban mo, at maaaring mabago ang pananaw mo tungkol sa iyong problema.a

Sabihin sa Diyos sa panalangin ang nilalaman ng iyong puso. Ayon sa ilan, ang tulong na nagagawa ng panalangin ay nasa isip lang. Pero iba naman ang sinasabi ng Bibliya. Sa Awit 65:2, tinutukoy ang Diyos na Jehova bilang ang “Dumirinig ng panalangin,” at sinasabi ng 1 Pedro 5:7: “Siya ay nagmamalasakit sa inyo.” Idiniriin ng Bibliya na mahalagang magtiwala sa Diyos. Halimbawa:

“Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.”​—KAWIKAAN 3:5, 6.

“Ang nasa ng mga may takot [kay Jehova] ay kaniyang isasagawa, at ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin, at ililigtas niya sila.”​—AWIT 145:19.

“Ito ang pagtitiwala na taglay natin sa kaniya, na, anumang bagay ang hingin natin ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay pinakikinggan niya.”​—1 JUAN 5:14.

“Si Jehova ay malayo sa mga balakyot, ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay dinirinig niya.”​—KAWIKAAN 15:29.

Kung sasabihin mo sa Diyos ang hirap na nadarama mo, tutulungan ka niya. Hinihimok ka ng Bibliya na ‘magtiwala sa kaniya sa lahat ng panahon. Sa harap niya ay ibuhos mo ang iyong puso.’​—Awit 62:8.

Kapag Higit Pa ang Kailangan

Ayon sa mga pag-aaral, ang karamihan ng nagpapakamatay ay nakakaranas ng depresyon.b Ipinakikita nito na baka kailangan ng isa na kumonsulta sa doktor. Ang doktor ay maaaring magreseta ng gamot o magrekomenda ng pagbabago sa mga kinakain. Sa ilang kaso, malaki ang naitutulong ng regular na ehersisyo. Malaking tulong sa marami ang pangangalaga ng doktor.c

Ang Bibliya ay naglalaman ng maraming impormasyon na makapagbibigay sa iyo ng tulong at pag-asa. Halimbawa, sinasabi ng Apocalipsis 21:4 tungkol sa Diyos na Jehova: “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.” Ito ay pangako ng Diyos, at ang pagbubulay-bulay dito ay nakapagpapagaan ng damdamin.

Ipinangangaral ng mga Saksi ni Jehova ang pag-asang ito mula sa Bibliya sa milyun-milyong tao sa buong daigdig. Dahil diyan, marami ang nagkakaroon ng tunay na pag-asa sa napakahirap na panahong ito. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, pumasyal sa kanilang Kingdom Hall o sumulat sa angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito. Puwede ka ring pumunta sa aming Web site na www.watchtower.org.

[Mga talababa]

a Nakatulong sa ilan ang pagtawag sa suicide-prevention center o mental-health center.

b Para sa higit pang impormasyon tungkol sa depresyon, tingnan ang Gumising! ng Hulyo 2009, pahina 3-9.

c Ang Gumising! ay hindi nagrerekomenda ng anumang partikular na paggamot. Dapat pag-aralang mabuti ng bawat indibiduwal ang mga mapagpipiliang paggamot bago siya gumawa ng desisyon.

[Kahon sa pahina 16]

TULONG MULA SA BIBLIYA

● “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”​—Filipos 4:6, 7.

● “Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako, at mula sa lahat ng aking pagkatakot ay iniligtas niya ako.”​—Awit 34:4.

● “Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso; at yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya.”​—Awit 34:18.

● “Pinagagaling niya ang mga may pusong wasak, at tinatalian niya ang kanilang makikirot na bahagi.”​—Awit 147:3.

[Kahon sa pahina 17, 18]

KUNG NAIISIP MONG MAGPAKAMATAY . . .

Sabihin ang iyong nadarama sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan

Sabihin sa Diyos sa panalangin ang nilalaman ng iyong puso

Kumonsulta sa doktor

[Kahon/Larawan sa pahina 18]

PARA SA MGA KAIBIGAN AT KAPAMILYA

Madalas, ang mga kapamilya at malalapít na kaibigan ang unang nakakahalata kung ang isang taong nanlulumo ay nag-iisip na magpakamatay. Kung kikilos ka agad, maililigtas mo ang buhay niya! Makinig at damayan siya. Tanggapin na talagang mahirap ang pinagdaraanan niya. Sinasabi ng Bibliya: “Magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo.” (1 Tesalonica 5:14) Himukin siyang humingi ng tulong, at kung kailangan, tiyakin na nabigyan siya ng tulong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share