Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 1/12 p. 20
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Puwede Nang Kumandidato ang mga Paring Russian Orthodox
  • Bagong mga Problema sa Batas
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—2011
  • Ang Iglesya Griego Ortodokso—Isang Nababahaging Relihiyon
    Gumising!—1996
  • Ano ang Kinabukasan ng Relihiyon?
    Gumising!—2001
  • Pinahahalagahan ng mga Ruso ang Kalayaan sa Pagsamba
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2012
g 1/12 p. 20

Pagmamasid sa Daigdig

Ayon sa 76.3 porsiyento ng mga adultong sinurbey sa Germany, “walang masama” sa flirting at “hindi nangangahulugan na seryosong makikipagrelasyon ang gumagawa nito.” Halos kalahati ng mga sinurbey ang nagsabi na okey lang sa isang may-asawa na mag-flirt sa isang estranghero.​—APOTHEKEN UMSCHAU, GERMANY.

Ayon sa resulta ng isang pambansang surbey, 48 porsiyento ng mga Russian ang naniniwala na ang pag-atake ng mga terorista ay “talagang inaasahan na” at “bahagi na ng buhay.”​—KOMMERSANT, RUSSIA.

“Sa isang mapangahas na pagkilos gaya ng ginagawa noong Edad Medya,” sinubukan kamakailan ng mga ismagler na Mexicano ang isang bagong paraan para hindi na sila dumaan sa checkpoint sa border​—isang “malaking catapult” na nakakabit sa isang trailer at “makapagpapahilagpos ng mga droga pahilaga” patawid sa border ng Estados Unidos.​—REUTERS NEWS SERVICE, E.U.A.

“Dalawa sa bawat limang pagbubuntis” sa New York City ang nauuwi sa aborsiyon. Ang ganitong proporsiyon ay “halos hindi nagbago sa loob ng mahigit isang dekada.”​—THE NEW YORK TIMES, E.U.A.

Nagulat ang mga pest controller nang tawagan sila para hulihin ang isang sorra sa ika-72 palapag ng isang itinatayong gusali sa sentro ng London. Ang sorra na iyon, na “nabubuhay sa tira-tirahang naiiwan ng mga trabahador,” ay pinakawalan sa di-kalayuan.​—THE TELEGRAPH, LONDON.

Puwede Nang Kumandidato ang mga Paring Russian Orthodox

“Sinabi ng Council of Bishops ng Simbahang Ruso Ortodokso na ang klerigo nito ay puwede nang kumandidato sa pulitika sa ilang kalagayan para maprotektahan ang simbahan mula sa pagkakabaha-bahagi at iba pang panganib,” ang ulat ng news agency na RIA Novosti. Ayon sa pahayag ng mga obispo, puwede itong gawin kapag kailangang “kontrahin ang mga puwersa sa lipunan, kasama na ang mga sanhi ng pagkakabaha-bahagi at ang mga nagmumula sa ibang relihiyon, na gumagamit ng pulitikal na kapangyarihan para labanan ang Simbahang Ortodokso.”

Bagong mga Problema sa Batas

Ang mga pamamaraan sa reproductive medicine, na dating itinuturing na imposible, ay lumilikha ng bagong mga problema sa batas. “Taun-taon, dumarami ang isinisilang na sanggol mula sa sperm o embryo na ipinreserba nang ilang buwan o taon,” ang sabi ng The Wall Street Journal. “Sa ilang kaso, ang isa sa mga magulang ay namatay na, kadalasa’y ang ama.” Sa Estados Unidos, may mga batang ulila na tumatanggap ng buwanang allowance mula sa Social Security system. Pero iba-iba ang batas ng mga estado sa pagbibigay ng allowance sa isang bata na ipinagbuntis pagkamatay ng isa sa mga magulang. “Hindi inaasahan ng mga mambabatas na napakalayo ng mararating ng teknolohiya,” ang sabi ni Sonny Miller, isang abogado sa Minnesota.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share