Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/14 p. 7
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2014
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Israel, Jordan, at Palestine
  • Germany
  • Britain
  • Latin America at Caribbean
  • Dagat na Patay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Dagat na Pambihira—Pero Patay!
    Gumising!—2008
  • Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Pasko?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Mga Tradisyon Kung Pasko—Ano ang Kanilang Pinagmulan?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—2014
g 12/14 p. 7

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Israel, Jordan, at Palestine

Dagat na Patay

Ang Dagat na Patay ay bumababaw sa bilis na mga isang metro kada taon. Nangangamba ang ilan na baka tuluyan na itong matuyo pagsapit ng 2050. Ang mga opisyal ay naghahanap ng solusyon. Ang isang opsyon na pinag-aaralan pa ay ang pag-aalis ng asin mula sa tubig ng Dagat na Pula para magamit ng mga tao. Pagkatapos, padadaluyin ang tubig na naalisan ng asin papuntang Dagat na Patay. Natatakot ang mga kritiko na makapinsala ang planong ito sa pambihirang ekosistema ng Dagat na Patay.

Germany

Ambulansiya

Kapag Pasko, mas marami nang mga sangkatlo ang naoospital dahil sa atake sa puso kaysa sa ibang panahon ng taon, ayon sa survey ng isang insurance company. Sinabi rin nito na ang pangunahing dahilan ay ang tumitinding stress ng mga tao sa kahahanap ng mga panregalo at dahil sobrang taas ang inaasahan sa kanila ng mga kamag-anak at kaibigan nila.

Britain

Cartoon ng napakatandang mollusk sa Iceland

Iniulat ng mga siyentipikong Britano na ang isang mollusk sa Iceland na inakalang 405 taon ay 507 taon na pala nang ito’y di-inaasahang mamatay noong 2006. Ito na ang nairekord na hayop na may pinakamahabang buhay.a Namatay ang mollusk nang i-freeze ito ng mga mananaliksik para madala sa laboratoryo nila.

Latin America at Caribbean

Sa isang summit na ginanap sa Havana, Cuba, maaga nitong taóng ito, idineklara ng 33 miyembrong bansa ng Community of Latin American at Caribbean States na ang kanilang bansa ay ‘peace zone’ nang mapagkasunduan nilang lutasin ang kanilang alitan nang hindi gumagamit ng dahas. Isa sa mga dumalo ay ang secretary-general ng United Nations na si Ban Ki-moon.

a Hindi kabilang sa terminong “hayop na may pinakamahabang buhay” ang mga kolonya ng mga organismong gaya ng mga korales, na sinasabing libo-libong taon ang buhay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share