Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g19 Blg. 2 p. 10-11
  • Kung Paano Magiging Responsable

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Magiging Responsable
  • Gumising!—2019
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANO ANG KASAMA SA PAGIGING RESPONSABLE?
  • BAKIT MAHALAGANG MAGING RESPONSABLE?
  • KUNG PAANO ITUTURO ANG PAGIGING RESPONSABLE
  • Mahalaga ang Gawaing-Bahay
    Gumising!—2017
  • Matutong Tanggapin ang Pagbukod
    Gumising!—1998
  • Bakit Kailangang Gawin Ko ang Lahat ng Gawaing-Bahay?
    Gumising!—1989
  • 8 Halimbawa
    Gumising!—2018
Iba Pa
Gumising!—2019
g19 Blg. 2 p. 10-11
Tinutulungan ng tatay ang anak niya na magdilig ng halaman

ARAL 4

Kung Paano Magiging Responsable

ANO ANG KASAMA SA PAGIGING RESPONSABLE?

Ang mga taong responsable ay maaasahan. Ginagawa nila nang maayos ang ipinapagawa sa kanila at tinatapos ito sa takdang panahon.

Kahit limitado ang kakayahan ng mga bata, puwede na silang turuang maging responsable. Ayon sa aklat na Parenting Without Borders, kapag 15 buwan na ang mga bata, gagawin nila kung ano ang sabihin sa kanila ng kanilang magulang, at kapag 18 buwan na sila, gusto na nilang gawin ang ginagawa ng mga magulang nila. Idinagdag pa nito: “Sa maraming kultura, hinuhubog ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging matulungin lalo na mula sa edad na lima hanggang pito. Kahit ganito sila kabata, nagagawa nila nang mahusay ang kanilang mga gawain sa bahay.”

BAKIT MAHALAGANG MAGING RESPONSABLE?

Ang “boomerang generation” ay tumutukoy sa mga kabataang nagsarili pero bumalik din sa kanilang mga magulang dahil hindi nila kinayang mamuhay mag-isa. Nangyayari ito kapag ang mga kabataan ay hindi naturuang magbadyet at maging responsable sa buhay, at lumaki silang walang gaanong alam sa bahay.

Kaya ngayon pa lang, sanayin na ang iyong mga anak na maging responsable. “Hindi magandang nakadepende sila sa inyo hanggang 18 anyos na sila at saka ninyo sila pakakawalan sa tunay na mundo,” ang sabi ng aklat na How to Raise an Adult.

KUNG PAANO ITUTURO ANG PAGIGING RESPONSABLE

Bigyan sila ng gawaing-bahay.

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “May pakinabang sa bawat pagsisikap.”—Kawikaan 14:23.

Gustong-gusto ng mga bata na tumulong sa kanilang mga magulang. Samantalahin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga gawaing-bahay.

Nag-aatubili ang ilang magulang na gawin iyan. Ikinakatuwiran nila na nabibigatan na ang kanilang anak sa dami ng homework nito araw-araw, kaya bakit pa nila ito daragdagan?

Pero ang mga batang tumutulong sa gawaing- bahay ay mas malamang na maging mahusay sa paaralan dahil natututo silang simulan at tapusin ang anumang ipagawa sa kanila. Dagdag pa ng aklat na Parenting Without Borders: “Kapag hindi natin pinatutulong ang ating mga anak, baka isipin nilang hindi mahalaga ang pagtulong sa iba . . . Baka umasa rin sila na pagsisilbihan sila ng iba.”

Gaya ng nabanggit, kapag tumutulong ang mga anak sa gawaing-bahay, natuturuan silang maging matulungin at hindi maging makasarili. Kapag gumagawa sila ng mga gawaing-bahay, nakikita ng mga bata na mayroon silang mahalagang papel na dapat gampanan sa pamilya.

Tulungan ang iyong mga anak na harapin ang resulta ng kanilang pagkakamali.

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Makinig ka sa payo at tumanggap ng disiplina para maging marunong ka.”—Kawikaan 19:20.

Kapag nagkamali ang iyong anak—halimbawa, kapag nakasira siya ng gamit ng iba—huwag pagtakpan iyon. Kayang harapin ng anak mo ang mga resulta ng kaniyang pagkakamali—sa kasong ito, mag-sorry at marahil ay palitan ang bagay na nasira niya.

Kapag natutong humarap sa pagkakamali o pagkabigo ang iyong mga anak, matututo silang

  • maging tapat at aminin ang kanilang pagkakamali

  • huwag sisihin ang iba

  • huwag magdahilan

  • mag-sorry, kung kinakailangan

Tinutulungan ng tatay ang anak niya na magdilig ng halaman

SANAYIN NA SIYA NGAYON

Ang mga batang naturuang maging responsable ay mas may kakayahang humarap sa buhay paglaki nila

Magpakita ng Halimbawa

  • Ako ba ay masipag, organisado, at laging nasa oras?

  • Nakikita ba ng mga anak ko na gumagawa ako ng gawaing- bahay?

  • Inaamin ko ba ang mga pagkakamali ko, at nagso- sorry kung kailangan?

Ang Sinasabi ng Ilang Magulang

“Bata pa lang ang mga anak ko, tumutulong na sila kapag nagluluto ako. Kapag nagtutupi ako ng mga damit, nagtutupi rin sila. Kapag naglilinis naman ako, naglilinis din sila. Nag-e-enjoy silang tumulong. Masaya silang makasama ako at gawin ang ginagawa ko. Kaya natuto silang maging responsable.”—Laura.

“Minsan, sinabihan ko ang anak ko na tawagan ang isang kaibigan namin at mag-sorry dahil hindi siya naging magalang dito. Sa paglipas ng panahon, maraming beses namin siyang sinabihang humingi ng tawad kapag nakakapagsabi siya ng masasakit na salita. Kaya ngayon, natuto na siyang mag-sorry kapag nagkakamali siya.”—Debra.

PUWEDENG MATUTO MULA SA PAGKAKAMALI

“Nagkakamali ang mga bata, at kapag nangyari ito, mahalagang tandaan ng mga magulang na may matututuhan ang mga bata mula sa kanilang mga pagkakamali,” ang isinulat ng edukador na si Jessica Lahey sa magasing Atlantic. “Taon-taon, ang ‘pinakamahuhusay’ kong estudyante—ang pinakamasaya at pinakamatagumpay sa buhay—ay ang mga hinayaan ng kanilang mga magulang na dumanas ng pagkabigo paminsan-minsan, managot sa kanilang mga pagkakamali, at pinasiglang maging mahusay sa kabila ng mga iyon.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share