Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g21 Blg. 2 p. 13-15
  • Ano ang Epekto ng Teknolohiya sa Pag-iisip Mo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Epekto ng Teknolohiya sa Pag-iisip Mo?
  • Gumising!—2021
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANG DAPAT MONG MALAMAN
  • ANG PUWEDE MONG GAWIN
  • Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Multitasking?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Ilagay sa Lugar ang Paggamit ng Gadyet—Paano?
    Tulong Para sa Pamilya
  • Ang Kahalagahan ng Pag-iisa
    Gumising!—1998
  • Maging Makonsiderasyon at Makatuwiran sa Paggamit ng Teknolohiya
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—2021
g21 Blg. 2 p. 13-15
Isang lalaki na nanonood ng video tutorial habang nagluluto.

Ano ang Epekto ng Teknolohiya sa Pag-iisip Mo?

Patuloy tayong natututo—para man ito sa school, sa trabaho, o sa iba pang bagay. Malaking tulong diyan ang teknolohiya. Napakadali na ngayong makakuha ng impormasyon, kahit hindi ka umalis ng bahay o kahit nga nakaupo ka lang.

Pero marami sa mga sobra kung gumamit ng teknolohiya ang nakapansin na . . .

  • nahihirapan silang magpokus kapag nagbabasa.

  • madali silang ma-distract sa ginagawa nila.

  • madali silang mabagot kapag nag-iisa.

ANG DAPAT MONG MALAMAN

Isang kabataang babae na nagmu-multitask. Nagtetext siya, nakikipag-video call sa kaibigan niya, at gumagamit ng computer at textbook sa pag-aaral.

PAGBABASA

May ilan na pinapasadahan lang ang isang artikulo o aklat imbes na basahin ito nang mabuti.

Okey lang iyan kung may hinahanap ka lang na sagot sa isang tanong. Pero hindi iyan sapat kung gusto mo talagang maintindihan ang isang paksa.

PAG-ISIPAN: Naiintindihan mo ba ang binabasa mo kahit mahaba ito? Bakit mas matututo ka kung magbabasa ka nang mabuti?​—KAWIKAAN 18:15.

POKUS

Iniisip ng ilan na magagamit nila ang teknolohiya para pagsabayin ang dalawang gawain, gaya ng pagtetext habang nag-aaral. Pero kapag hati ang atensiyon nila, baka hindi nila magawa nang maayos ang alinman sa mga iyon, lalo na kung pareho itong nangangailangan ng pokus.

Kailangan ng disiplina sa sarili para makapagpokus. Mahirap gawin iyan, pero sulit naman. “Hindi ka masyadong magkakamali, at mababawasan pa ang stress mo,” ang sabi ng kabataang si Grace. “Natutuhan kong mas mabuting magpokus muna sa isang bagay at iwasang mag-multitask.”

PAG-ISIPAN: Nahihirapan ka bang magpokus at matandaan ang pinag-aaralan mo dahil sa multitasking?​—KAWIKAAN 17:24.

PAG-IISA

Nalulungkot ang ilan kapag mag-isa sila, kaya ginagamit nila ang teknolohiya para malibang sila. “Nabo-bored agad ako kahit 15 minuto pa lang akong hindi gumagamit ng gadyet o nanonood ng TV,” ang sabi ni Olivia.

Pero magandang pagkakataon ang mga panahong mag-isa ka kasi mas makakapag-isip ka nang mabuti. Mahalagang bahagi ito ng pagkatuto, hindi lang para sa mga kabataan, kundi para din sa mga adulto.

PAG-ISIPAN: Ginagamit mo ba ang mga panahong mag-isa ka para makapag-isip nang mabuti?​—1 TIMOTEO 4:15.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

SURIIN ANG PAGGAMIT MO NG TEKNOLOHIYA

Paano mo magagamit ang teknolohiya para matuto? Paano nakakaapekto ang teknolohiya sa kakayahan mong magpokus at matuto?

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Ingatan mo ang karunungan at ang kakayahang mag-isip.”​—KAWIKAAN 3:21.

TANUNGIN ANG SARILI . . .

  • Nahihirapan ba akong magpokus kapag mahaba ang binabasa ko sa gadyet ko? Kung oo, ano ang madalas na makagambala sa akin?

  • Ano ang mga puwede kong gawin para mabawasan o maalis pa nga ang mga nakakagambala sa akin?

Tip: Magbasa muna nang kaunti sa simula at saka ito unti-unting dagdagan. Magbasa nang malakas at dahan-dahan para makapagpokus ka sa binabasa mo.

  • Nagbibigay ba ako ng panahon para mapag-isipang mabuti ang binasa ko?

Tip: Gamitin ang huling 10 minuto ng pag-aaral para i-review ang natutuhan mo.

  • Sa anong mga sitwasyon ako natutuksong mag-multitask?

  • Anong mga pagbabago ang puwede kong gawin para makapagpokus muna ako sa isang bagay?

Tip: Kapag nag-aaral ka, alisin ang mga bagay na makakagambala sa iyo para hindi ka matuksong mag-multitask.

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Kumuha ka ng karunungan, kumuha ka ng unawa.”​—KAWIKAAN 4:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share