Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 5
  • Nagsimula ang Paghihirap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagsimula ang Paghihirap
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Ginawa ng Diyos ang Unang Lalaki at Babae
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 5

KUWENTO 5

Nagsimula ang Paghihirap

SA LABAS ng hardin ng Eden, kinailangan nina Adan at Eba na magtrabaho nang mabigat para sila makakain. Imbes na masasarap na prutas, puro tinik at dawag ang kanilang nakita. Kasi sina Adan at Eba ay sumuway sa Diyos kaya hindi na niya sila kaibigan.

Pero mas masama pa kaysa rito, sina Adan at Eba ay nakatakdang mamatay. Hindi ba sinabi ng Diyos na mamamatay sila kapag kinain nila ang bunga ng isang punongkahoy? Kaya, nang araw na kumain sila, nagsimula na silang mamatay.

Lahat ng mga anak nina Adan at Eba ay isinilang pagkatapos na palayasin sila ng Diyos sa hardin ng Eden. Nangangahulugan ito na ang kanilang magiging mga anak ay tatanda rin at mamamatay.

Kung sumunod lang sina Adan at Eba kay Jehova, maligaya sana ang buhay nila at ng kanilang mga anak. Wala sanang tatanda, magkakasakit at mamamatay.

Gusto ng Diyos na ang tao ay lumigaya, at nangangako siya na darating ang araw na ganito nga ang mangyayari. Lahat ay magiging kaibigan ng Diyos. At ang buong lupa ay magiging magandang-maganda.

Pero si Eba ay hindi na kaibigan ng Diyos. Kaya masyado siyang nahirapan sa panganganak. Talagang mahihirapan ang isa kapag sumuway siya sa Diyos, hindi ba?

Sina Adan at Eba ay nagkaroon ng maraming anak. Ang panganay nilang anak na lalaki ay nagngangalang Cain. Ang ikalawang anak na lalaki ay si Abel. Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kanila?

Genesis 3:16-23; 4:1, 2; Apocalipsis 21:3, 4.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share