Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 3 p. 14-p. 15 par. 3
  • Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Mas Mataas ang Iba Kaysa sa Atin
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Nagsimula ang Paghihirap
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 3 p. 14-p. 15 par. 3
Umalis sina Adan at Eva sa hardin ng Eden

ARAL 3

Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva

Hawak ni Adan ang ipinagbabawal na prutas na ibinigay sa kaniya ni Eva

Isang araw habang nag-iisa si Eva, kinausap siya ng isang ahas. Sinabi nito: ‘Talaga bang ayaw ng Diyos na kumain kayo ng bunga mula sa lahat ng puno?’ Sumagot si Eva: ‘Puwede naman kaming kumain ng bunga mula sa lahat ng puno, puwera lang sa isa. Kapag kinain namin ang bunga ng punong ’yon, mamamatay kami.’ Sinabi ng ahas: ‘Hindi kayo mamamatay. Ang totoo, kapag kinain n’yo ’yon, magiging katulad kayo ng Diyos.’ Totoo ba iyon? Hindi. Nagsinungaling ang ahas. Pero naniwala si Eva. Habang tinititigan ni Eva ang prutas, lalo itong nagmumukhang masarap. Kinain niya iyon at pagkatapos, binigyan niya si Adan. Alam ni Adan na mamamatay sila kapag hindi sila sumunod sa Diyos. Pero kinain pa rin ni Adan ang prutas.

Pagkaalis nina Adan at Eva sa hardin ng Eden, ang pasukan nito ay binantayan ng mga anghel at ng isang nag-aapoy na espada

Nang pagabi na, kinausap ni Jehova sina Adan at Eva. Tinanong niya sila kung bakit hindi nila sinunod ang utos niya. Sinisi ni Eva ang ahas, at sinisi naman ni Adan si Eva. Dahil sumuway sa kaniya sina Adan at Eva, pinalayas sila ni Jehova mula sa hardin. Para hindi na sila makapasok ulit, naglagay si Jehova ng mga anghel at isang umaapoy na espada sa may harapan ng hardin.

Sinabi ni Jehova na paparusahan din niya ang nagsinungaling kay Eva. Hindi naman talaga ang ahas ang kumausap kay Eva. Hindi gumawa si Jehova ng mga ahas na nakakapagsalita. Isang masamang anghel ang may gawa nito. Gusto niya kasing dayain si Eva. Ang anghel na iyon ay si Satanas na Diyablo. Darating ang panahon na papatayin ni Jehova si Satanas para hindi na niya madaya ang mga tao na gumawa ng masama.

“Mamamatay-tao [ang Diyablo] mula sa simula, at hindi siya nanindigan sa katotohanan, dahil wala sa kaniya ang katotohanan.”​—Juan 8:44, talababa

Tanong: Bakit kinain ni Eva ang prutas? Ano ang nangyari kina Adan at Eva nang hindi sila sumunod kay Jehova? Sino ba si Satanas na Diyablo?

Genesis 3:1-24; Juan 8:44; 1 Juan 3:8; Apocalipsis 12:9

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share