Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • gt kab. 22
  • Apat na Alagad ang Tinawag

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Apat na Alagad ang Tinawag
  • Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Kaparehong Materyal
  • Apat na Alagad ang Tinawag
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Apat na Alagad ang Magiging Mangingisda ng Tao
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Ang Pagiging mga Mamamalakaya ng mga Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Pinaglabanan Niya ang Takot at Pag-aalinlangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
gt kab. 22

Kapitulo 22

Apat na Alagad ang Tinawag

PAGKATAPOS na pagtangkaang patayin si Jesus sa kaniyang sariling bayan ng Nasaret, siya’y lumipat sa lunsod ng Capernaum malapit sa Dagat ng Galilea. Ito’y katuparan ng isa pang hula ng Isaias. Iyon ay tungkol sa kung papaanong ang mga taga-Galilea na nasa baybay-dagat ay makakakita ng isang dakilang liwanag.

Nang isagawa rito ni Jesus ang kaniyang nagbibigay-liwanag na pangangaral ng Kaharian, natagpuan niya ang apat sa kaniyang mga alagad. Una pa rito ay kasa-kasama na niya ang mga ito ngunit bumalik sila sa kanilang pamamalakaya nang sila’y bumalik kasama ni Jesus galing sa Judea. Malamang na ngayo’y sinuri na sila ni Jesus, yamang panahon na upang magkaroon siya ng matatag, at regular na mga katulong na maaari niyang sanayin upang ipagpatuloy ang ministeryo pagkatapos na siya’y pumanaw na.

Kaya samantalang si Jesus ay naglalakad sa tabing-dagat at nakita niya si Simon Pedro at ang kaniyang mga kasama na naghuhugas ng kanilang mga lambat, kaniyang nilapitan sila. Umakyat siya sa bangka ni Pedro at hiniling niya rito na pumalaot. Nang sila’y malayu-layo na, si Jesus ay naupo sa bangka at kaniyang sinimulang turuan ang karamihan na nasa dalampasigan.

Pagkatapos, sinabi ni Jesus kay Pedro: “Pumaroon ka sa laot, at kayo, ihulog ninyo ang inyong lambat para makahuli.”

“Guro,” ang tugon ni Pedro, “magdamag na kami’y nagpapagal at wala kaming nahuli, ngunit dahil sa utos mo ay ihuhulog ko ang lambat.”

Nang maihulog na ang lambat, napakaraming isda ang nahuli na anupa’t nagkampupunit ang mga lambat. Kaya dagling kinawayan nila ang mga kasamahan nila sa isang karatig na bangka upang magsilapit at tulungan sila. Ang dalawang bangka ay madaling napunô ng napakaraming isda kung kaya’t nagsimulang lumubog. Nang makita ito ni Pedro, siya’y nagpatirapa sa harap ni Jesus at ang sabi: “Lumayo ka sa akin, sapagkat ako’y isang makasalanan, Panginoon.”

“Huwag kang matakot,” ang sagot ni Jesus. “Mula ngayon ay mga taong buháy ang mahuhuli mo.”

Inanyayahan din ni Jesus ang kapatid ni Pedro na si Andres. “Sumunod ka sa akin,” ang anyaya niya sa kanila, “at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” Ang kanilang mga kasamang mamamalakaya na sina Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedeo, ay inanyayahan din, at sila rin naman ay tumugon nang walang atubili. Kaya’t ang apat na ito ay huminto na sa kanilang trabahong pamamalakaya at sila ang unang apat na matatag, at regular na mga tagasunod ni Jesus. Lucas 5:​1-11; Mateo 4:​13-22; Marcos 1:​16-20; Isaias 9:​1, 2.

▪ Bakit ang kaniyang mga alagad ay tinawagan ni Jesus na sumunod sa kaniya, at sino ang mga ito?

▪ Anong himala ang kinatakutan ni Pedro?

▪ Sa anong uri ng pamamalakaya inanyayahan ni Jesus na sumali ang kaniyang mga alagad?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share