Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • jy kab. 22 p. 58-p. 59 par. 6
  • Apat na Alagad ang Magiging Mangingisda ng Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Apat na Alagad ang Magiging Mangingisda ng Tao
  • Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Apat na Alagad ang Tinawag
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Apat na Alagad ang Tinawag
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Pagiging mga Mamamalakaya ng mga Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Pinaglabanan Niya ang Takot at Pag-aalinlangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
jy kab. 22 p. 58-p. 59 par. 6
Nakikipag-usap si Jesus kina Pedro, Andres, Santiago, at Juan sa tabi ng Lawa ng Galilea

KABANATA 22

Apat na Alagad ang Magiging Mangingisda ng Tao

MATEO 4:13-22 MARCOS 1:16-20 LUCAS 5:1-11

  • TUMAWAG SI JESUS NG MGA ALAGAD PARA MAGING BUONG-PANAHONG TAGASUNOD NIYA

  • MGA MANGINGISDA NA NAGING MANGINGISDA NG TAO

Matapos tangkaing patayin ng mga taga-Nazaret si Jesus, nagpunta siya sa lunsod ng Capernaum, malapit sa Lawa ng Galilea, na tinatawag ding “lawa ng Genesaret.” (Lucas 5:1) Kaya naman natupad ang hula sa aklat ni Isaias na ang mga taga-Galilea na nakatira sa tabi ng lawa ay makakakita ng matinding liwanag.—Isaias 9:1, 2.

Oo, dito sa Galilea, patuloy na ipinangaral ni Jesus na “ang Kaharian ng langit ay malapit na.” (Mateo 4:17) Nakita ni Jesus ang apat sa kaniyang mga alagad. Nakasama niya sila noon sa paglalakbay, pero pagkagaling sa Judea, bumalik ang mga ito sa hanapbuhay nilang pangingisda. (Juan 1:35-42) Pero ngayon, kailangan na nilang sumama palagi kay Jesus para masanay niya sila sa ministeryo, nang sa gayo’y maipagpatuloy nila ang pangangaral kapag wala na si Jesus.

Habang naglalakad si Jesus sa tabi ng lawa, nakita niya si Simon Pedro, ang kapatid nitong si Andres, at ang ilan sa kanilang kasama na naghuhugas ng kanilang lambat. Sumakay si Jesus sa bangka na pag-aari ni Pedro, at sinabi niya rito na ilayo nang kaunti ang bangka mula sa pampang. Pagkatapos, umupo si Jesus at nagturo ng katotohanan tungkol sa Kaharian sa maraming tao na nasa pampang.

Sinabi ni Jesus kay Pedro: “Pumunta ka sa malalim, at ibaba ninyo ang inyong mga lambat para makahuli.” Sumagot si Pedro: “Guro, magdamag kaming nangisda pero wala kaming nahuli. Pero dahil sa sinabi mo, ibababa ko ang mga lambat.”—Lucas 5:4, 5.

Nahihirapan sina Andres, Santiago, at Juan na iahon sa bangka ang mga lambat; nakaluhod si Pedro sa harap ni Jesus

Ibinaba nila ang mga lambat at napakarami nilang nahuling isda, kaya nagsimulang mapunit ang mga lambat! Agad nilang sinenyasan ang mga kasamahan nila sa kabilang bangka para tulungan sila. Di-nagtagal, napuno ng isda ang dalawang bangka, kaya nagsimulang lumubog ang mga ito. Nang makita ito ni Pedro, lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagsabi: “Panginoon, lumayo ka sa akin, dahil makasalanan ako.” Sumagot si Jesus: “Huwag ka nang matakot. Mula ngayon ay manghuhuli ka ng mga taong buháy.”—Lucas 5:8, 10.

Sinabi ni Jesus kina Pedro at Andres: “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.” (Mateo 4:19) Tinawag din niya ang dalawa pang mangingisda, sina Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedeo. Agad din silang sumunod kay Jesus. Kaya iniwan ng apat na lalaking ito ang kanilang hanapbuhay, at sila ang unang naging buong-panahong mga alagad ni Jesus.

  • Anong uri ng mga tao ang tinawag ni Jesus para maging buong-panahong mga alagad niya? Sino-sino sila?

  • Anong himala ang kinatakutan ni Pedro?

  • Anong uri ng pangingisda ang gagawin ng apat na alagad?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share