Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • gl p. 4-5
  • Mga Lupain sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Lupain sa Bibliya
  • ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
  • Kaparehong Materyal
  • Nagbalik sa Kanilang Lupain ang Bayan ng Diyos
    ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
  • Naimpluwensiyahan ng Gresya at Roma ang mga Judio
    ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
  • Lumaganap ang Kristiyanismo sa Ibang Bansa
    ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
  • Sinalakay ng mga Imperyo ang Lupang Pangako
    ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
Iba Pa
‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
gl p. 4-5

Mga Lupain sa Bibliya

HABANG naghahanda ang Israel sa pagpasok sa Lupang Pangako, ipinahayag ni Moises sa Diyos ang kaniyang matinding hangarin: “Hayaan mong tumawid ako, pakisuyo, at makita ko ang mabuting lupain na nasa kabila ng Jordan, ang mabuting bulubunduking pook na ito.”​—Deu 3:25.

Hindi pinahintulutan si Moises na gawin iyon, pero umakyat pa rin siya sa bundok na nakaharap sa Jerico at nakita niya ang lupain​—‘ang Gilead hanggang sa Dan, at ang lupain ng Juda hanggang sa kanluraning dagat at ang Negeb at ang libis ng Jordan.’ (Deu 3:27; 34:1-4) Narinig mo na ba ang mga pangalang ito? Alam mo ba kung nasaan ang mga ito?

Iilan lamang sa bayan ni Jehova sa ngayon ang nakapamamasyal sa maraming lugar na nababasa nila sa Bibliya. Hindi nila kayang gawin ang ipinagawa ng Diyos kay Abraham, na lakbayin ang haba at lapad ng Lupang Pangako. (Gen 13:14-17) Magkagayunman, gustung-gusto ng tunay na mga Kristiyano na malaman ang tungkol sa mga lugar sa Bibliya at makita ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.

Ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ ay isang kasangkapan na magagamit mo upang mapalawak ang iyong kaunawaan sa Kasulatan. Naglalaman ito ng mga larawan ng aktuwal na mga lugar, gaya ng Gilead, na makikita sa pabalat. Ang lalo pang nakapagtuturo ay ang mga mapa, na higit na makapagpapalalim ng iyong kaalaman sa mga lugar sa Bibliya.

Ang mapa sa pahina 2 at 3 ay nagbibigay-pansin sa pangunahing mga lupain o rehiyon. Halimbawa, kung papansinin mo ang kinaroroonan ng Asirya at Ehipto may kaugnayan sa Lupang Pangako, lalo mong mauunawaan ang mga hula na bumabanggit sa mga lupaing iyon. (Isa 7:18; 27:13; Os 11:11; Mik 7:12) Ang makitid at pahabang lupain na tinatawag na Lupang Pangako ay isang sangandaan noon, at sinikap ng ibang mga bansa na sakupin ang mabubunga nitong bukirin, ubasan, at taniman ng olibo.​—Deu 8:8; Huk 15:5.

Bible Lands & Key Cities

Paminsan-minsan ay maaari mong paghambingin ang mga mapa. Halimbawa, si Jonas ay inatasang pumunta sa kabisera ng Asirya, pero naglayag siya patungong Tarsis. (Jon 1:1-3) Nakikita mo ba ang mga lugar na ito sa unang mapang iyan? Pero hindi dapat ipagkamali ang Tarsis sa Tarso, kung saan isinilang si apostol Pablo. Masusumpungan mo ang Tarso at ang iba pang kilaláng mga lunsod sa mapang naririto.

Pag-isipan ang layo at ruta ng nilakbay ni Abraham habang tinitingnan mo ang Ur, Haran, at Jerusalem. Matapos siyang tawagin ni Jehova mula sa Ur, nanirahan siya sa Haran at pagkatapos ay lumipat sa Lupang Pangako. (Gen 11:28–​12:1; Gaw 7:2-5) Magiging lalong buháy na buháy ang paglalakbay ni Abraham habang pinag-aaralan mo “Ang Daigdig ng mga Patriyarka,” sa pahina 6-7.

Ang unang mapa at ang isang ito ay hindi nauugnay sa isang espesipikong yugto lamang ng panahon. Pagkatapos ng dalawang ito, ang mga mapa ay karaniwan nang ayon sa pagkakasunud-sunod ng kasaysayan. Ang mga lunsod o detalye sa isang mapa ay may kaugnayan sa mga pangyayaring naganap sa isang partikular na panahon. Bagaman hindi inilakip sa Indise (pahina 34-5) ang bawat lugar na nasa mga mapa, karaniwan nang matutulungan ka nitong hanapin kung aling mga mapa ang may kaugnayan sa puntong sinasaliksik mo sa kasalukuyan.

Ang mapa na nasa gitnang pahina (pahina 18-19) ang may pinakamalaking koleksiyon ng mga bayan at lunsod sa Lupang Pangako. Ang mga Simbolo sa Mapa ay tutulong sa iyo na makita ang mga lunsod ng mga Levita at ang anim na kanlungang lunsod at gayundin, malaman kung ang isang lugar ay binanggit sa Hebreong Kasulatan, Griegong Kasulatan, o pareho.

Ang mga lokasyon ng ilang lugar sa Bibliya ay hindi pa alam sa kasalukuyan, kaya karamihan sa mga pangalang iyon ay wala sa gitnang mapang ito. Gayundin, imposibleng magkasya rito ang bawat lunsod at bayan, gaya ng lahat ng nasa talaan ng mga hangganan ng tribo. (Jos, kab. 15-19) Gayunman, karaniwan nang nasa mapang iyan ang karatig na mga lunsod, sa gayon ay matatantiya mo na kung nasaan ang mga ito. Ang ilang heograpikong kaanyuan (mga bundok, ilog, at agusang libis) ay minarkahan, at ang matataas na lugar at mga lupain ay ipinakikita ng mga kulay. Ang mga detalyeng ito ay makatutulong sa iyo na ilarawan sa isipan ang mga aspekto ng mga pangyayari sa Bibliya.

Higit pang impormasyon tungkol sa mga lugar sa Bibliya ang makikita sa ensayklopidiya na Insight on the Scriptures, na makukuha sa maraming wika.a Habang ginagamit mo ito at ang iba pang mga pantulong sa pag-aaral ng Bibliya, itabi mo sa iyo ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’ Sumangguni ka rito habang pinag-aaralan mo ang lahat ng Kasulatan, na lubhang kapaki-pakinabang sa iyong buhay.​—2Ti 3:​16, 17.

[Talababa]

a Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

ANG MGA AKLAT NG BIBLIYA AY ISINULAT SA

Babilonya

Cesarea

Corinto

Ehipto

Efeso

Jerusalem

Macedonia

Moab

Patmos

Lupang Pangako

Roma

Susan

[Mapa sa pahina 4, 5]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Mga Lupain sa Bibliya at mga Pangunahing Lunsod

A1 ITALYA

A2 ROMA

A3 SICILIA

A3 MALTA

C2 MACEDONIA

C2 Filipos

C2 GRESYA

C3 ATENAS

C3 Corinto

C3 CRETA

C4 LIBYA

D3 Antioquia (sa Pisidia)

D3 Efeso

D3 PATMOS

D3 RODAS

D4 MEMFIS

D5 EHIPTO

E2 ASIA MINOR

E3 Tarso

E3 Antioquia (sa Sirya)

E3 CIPRUS

E4 Sidon

E4 Damasco

E4 Tiro

E4 Cesarea

E4 LUPANG PANGAKO

E4 JERUSALEM

E4 MOAB

E4 Kades

E4 EDOM

F3 Hardin ng Eden?

F3 ASIRYA

F3 Haran

F3 SIRYA

F5 ARABIA

G3 NINEVE

G4 BABILONYA

G4 CALDEA

G4 Susan

G4 Ur

H3 MEDIA

[Kabundukan]

E5 Bdk. Sinai

G2 KBDK. NG ARARAT

[Katubigan]

C3 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)

E1 Dagat na Itim

E5 Dagat na Pula

H2 Dagat Caspian

H5 Gulpo ng Persia

[Mga ilog]

D5 Ilog Nilo

F3 Ilog Eufrates

G3 Ilog Tigris

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share