Nagbalik sa Kanilang Lupain ang Bayan ng Diyos
DALAWANG prominenteng kabundukan ang nakapalibot sa talampas ng makabagong-panahong Iran—ang Elburz (timog ng Dagat Caspian) at ang Zagros (timog-silangan patungong Gulpo ng Persia). Nasa pagitan ng mga ito ang mahahaba at matatabang libis na may mga dalisdis ng makakapal na kakahuyan. Katamtaman ang klima sa libis, subalit ang mas mataas, tigang, hantad-sa-hanging kapatagan ay napakaginaw kung taglamig. Nasa karatig naman ang disyerto ng talampas na kakaunti lamang ang populasyon. Sa kalakhang rehiyong ito, na nasa gawing silangan ng Mesopotamia, bumangon ang Imperyo ng Medo-Persia.
Ang mga Medo ay nakasentro sa hilagang bahagi ng talampas, bagaman nang maglaon ay nangalat sila sa Armenia at Cilicia. Ang mga Persiano naman ay nakasentro sa timog-kanlurang bahagi ng talampas, gawing silangan ng Libis ng Tigris. Sa ilalim ng pamamahala ni Ciro noong kalagitnaan ng ikaanim na siglo B.C.E., nagsanib ang dalawang kahariang ito, anupat nabuo ang Kapangyarihang Pandaigdig ng Medo-Persia.
Sinakop ni Ciro ang Babilonya noong 539 B.C.E. Ang kaniyang imperyo ay umabot nang pasilangan hanggang India. Sa pakanluran naman, napabilang ang Ehipto at ang kilala ngayon bilang Turkey. Angkop na inilarawan ni Daniel ang Imperyo ng Medo-Persia bilang isang ganid na “oso” na ‘kumain ng maraming laman.’ (Dan 7:5) Si Ciro ay nagtatag ng isang makatao at mapagparayang pamamahala. Hinati niya ang imperyo sa mga lalawigan. Bawat isa ay pinamamahalaan ng isang satrapa, na kadalasan ay isang Persiano, subalit sa ilalim niya, isang lokal na tagapamahala ang may hawak ng awtoridad. Ang mga tao sa imperyo ay pinasisigla na panatilihin ang kanilang mga kostumbre at mga relihiyon.
Bilang pagsunod sa patakarang ito, pinahintulutan ni Ciro ang mga Judio na magbalik upang isauli ang tunay na pagsamba at itayong muli ang Jerusalem, gaya ng inilalarawan nina Ezra at Nehemias. Sa palagay mo, ang malaking pulutong na ito kaya ay bumalik sa pamamagitan ng rutang dinaanan ni Abraham doon sa Eufrates patungong Carkemis, o doon marahil sila dumaan sa mas maikling ruta sa Tadmor at Damasco? Walang binabanggit ang Bibliya. (Tingnan ang pahina 6-7.) Nang maglaon, ang mga Judio ay nanirahan din sa ibang bahagi ng imperyo, gaya sa Delta ng Nilo at sa mga lugar sa gawi pa roon ng timog. Isang malaki-laking populasyon ng mga Judio ang nanatili sa Babilonya, na malamang na siyang dahilan ng pagdalaw roon ni apostol Pedro pagkalipas ng maraming siglo. (1Pe 5:13) Oo, may papel na ginampanan ang Imperyo ng Medo-Persia kung kaya matatagpuan ang mga Judio sa maraming lugar noong panahon ng sumunod na mga imperyo ng Gresya at Roma.
Matapos sakupin ang Babilonya, ginamit ng Medo-Persia ang lunsod, kung saan napakatitindi ng tag-init, bilang sentrong pampangasiwaan. Ang Susan, dating kabisera ng Elam, ay isa sa maharlikang mga lunsod. Pagkaraan, dito ginawang reyna ni Haring Ahasuero ng Persia (maliwanag na tumutukoy kay Jerjes I) si Esther at dito binigo ang isang pakana na lipulin ang bayan ng Diyos sa napakalawak na imperyo. Ang dalawa pang kabisera ng Medo-Persia ay ang Ecbatana (matatagpuan sa lugar na mahigit 1,900 metro ang taas, na may kasiya-siyang mga tag-init) at Pasargadae (kasintaas din nito, mga 650 kilometro sa timog-silangan).
Paano nagwakas ang kapangyarihang pandaigdig na ito? Sa tugatog ng kapangyarihan nito, tumugon ang Medo-Persia sa mga pag-aalsang pinasimunuan ng mga Griego sa mga hanggahan sa hilagang-kanluran. Ang Gresya noon ay nahahati sa nagdidigmaang estadong-lunsod, subalit ang mga ito ay nagtulungan upang talunin ang mga hukbong Persiano sa pangwakas na mga pagbabaka sa Marathon at Salamis. Ito ang nagbukas ng daan upang mangibabaw ang pinag-isang Gresya laban sa Medo-Persia.
[Mapa sa pahina 24]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Imperyo ng Medo-Persia
A2 MACEDONIA
A2 TRACIA
A4 Cirene
A4 LIBYA
B2 Byzantium
B2 LYDIA
B3 Sardis
B4 Memfis (Nop)
B4 EHIPTO
B5 No-amon (Thebes)
B5 Seyene
C3 CILICIA
C3 Tarso
C3 Issus
C3 Carkemis
C3 Tadmor
C3 SIRYA
C3 Sidon
C3 Damasco
C3 Tiro
C4 Jerusalem
D2 Phasis
D2 ARMENIA
D3 ASIRYA
D3 Nineve
D4 Babilonya
E3 MEDIA
E3 Ecbatana (Achmetha)
E3 HYRCANIA
E4 Susan (Susa)
E4 ELAM
E4 Pasargadae
E4 Persepolis
E4 PERSIA
F3 PARTHIA
F4 DRANGIANA
G2 Maracanda (Samarkand)
G3 SOGDIANA
G3 BACTRIA
G3 ARIA
G4 ARACHOSIA
G4 GEDROSIA
H5 INDIA
[Iba pang mga lokasyon]
A2 GRESYA
A3 Marathon
A3 Atenas
A3 Salamis
C1 SCITIA
C4 Elat (Elot)
C4 Tema
D4 ARABIA
[Kabundukan]
E3 KBDK. NG ELBURZ
E4 KBDK. NG ZAGROS
[Katubigan]
B3 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
C2 Dagat na Itim
C5 Dagat na Pula
E2 Dagat Caspian
E4 Gulpo ng Persia
[Mga ilog]
B4 Nilo
C3 Eufrates
D3 Tigris
H4 Indus
[Larawan sa pahina 24]
Kinailangang tawirin ng mga hukbo ni Ciro ang Kabundukan ng Zagros upang marating ang Babilonya
[Larawan sa pahina 25]
Sa itaas: Pintuang-daan ng Lahat ng Bansa, sa Persepolis
[Larawan sa pahina 25]
Nakasingit na larawan: Libingan ni Ciro sa Pasargadae