Naimpluwensiyahan ng Gresya at Roma ang mga Judio
ANG paglawak ng naging Imperyo ng Gresya ay nagsimula sa kabundukan ng Macedonia. Doon naisipan ni Alejandro, noo’y mahigit lamang 20 anyos, na manakop sa gawing silangan. Noong 334 B.C.E., pinangunahan niya ang kaniyang hukbo patawid sa Hellespont (Dardanelles), na naghihiwalay sa Europa at Asia. Gaya ng isang dumadaluhong na “leopardo,” pinasimulan ng mga Griego sa ilalim ni Alejandro ang sunud-sunod na pananakop. (Dan 7:6) Nanaig si Alejandro sa mga Persiano malapit sa Troy, sa kapatagan ng Ilog Granicus, at madaling nagapi ang mga ito sa Issus.
Sinalakay ng mga Griego ang Sirya at Fenicia, anupat winasak ang Tiro matapos ang pitong-buwang pananalakay. (Eze 26:4, 12) Bagaman hindi sinalakay ang Jerusalem, sinakop ni Alejandro ang Gaza. (Zac 9:5) Pagdating niya sa Ehipto, itinatag niya ang Alejandria, na naging sentro ng komersiyo at edukasyon. Sa muling pagtawid sa Lupang Pangako, nilupig na naman niya ang mga Persiano, sa Gaugamela, malapit sa mga guho ng Nineve.
Bumaling si Alejandro sa timog upang sakupin ang Babilonya, Susan (Susa), at Persepolis—mga sentrong pampangasiwaan ng Persia. Pagkatapos ay agad niyang pinasok ang teritoryo ng Persia at nakarating hanggang sa Ilog Indus na ngayo’y Pakistan. Sa loob lamang ng walong taon, nasakop ni Alejandro ang karamihan sa daigdig na kilala noon. Subalit noong 323 B.C.E., sa edad na 32, namatay siya sa Babilonya dahil sa malarya.—Dan 8:8.
Napakalakas noon ng Helenikong impluwensiya sa Lupang Pangako. Sa lugar na iyon nanirahan ang ilang beterano ng hukbo ni Alejandro. Pagsapit ng unang siglo, nagkaroon ng liga ng mga lunsod (Decapolis) na ang wikang ginagamit ay Griego. (Mat 4:25; Mar 7:31) Mababasa na noon ang Hebreong Kasulatan sa wikang Griego. Koine (karaniwang Griego) ang nagsilbing internasyonal na wika para sa pagpapalaganap ng mga turong Kristiyano.
Imperyo ng Roma
Ano naman kaya ang nangyayari noon sa kanluran? Ang Roma—dati’y isang grupo ng mga nayon sa Ilog Tiber—ay unti-unting napabantog. Nang bandang huli, dahil sa mahusay na organisasyong pangmilitar at sentralisadong kapangyarihang pampulitika ng Roma, mabilis na nasakop nito ang mga lugar na kontrolado ng apat na heneral ni Alejandro. Pagsapit ng 30 B.C.E., kitang-kita ang pananaig ng Imperyo ng Roma, isang maagang pagpaparamdam ng ‘nakatatakot na hayop’ na nakita ni Daniel sa pangitain.—Dan 7:7.
Lumawak ang Imperyo ng Roma mula Britanya pababa hanggang sa Hilagang Aprika at mula sa Karagatang Atlantiko hanggang sa Gulpo ng Persia. Palibhasa’y nakapalibot ang imperyo sa Mediteraneo, tinawag ito ng mga Romano na Mare Nostrum (Ang Aming Dagat).
Naimpluwensiyahan din ng Roma ang mga Judio, na ang lupain ay bahagi noon ng Imperyo ng Roma. (Mat 8:5-13; Gaw 10:1, 2) Si Jesus ay nabautismuhan at namatay noong panahon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Buong-kalupitang inusig ng ilang tagapamahalang Romano ang mga Kristiyano subalit hindi nila nagapi ang tunay na pagsamba. Pagkalipas ng 13 siglo, sumuko ang imperyo sa mga pananalakay ng mga tribo ng Alemanya sa hilaga at ng mga pagala-galang mananalakay sa silangan.
[Mapa sa pahina 26]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Imperyo ng Gresya
Pagkatapos ni Alejandro, apat sa kaniyang mga heneral ang namahala sa napakalaking imperyong ito
▪ Cassander
▫ Lysimachus
○ Ptolemy I
• Seleucus I
A2 ▪ GRESYA
A2 ▪ Atenas
A2 ▪ ACAYA
A3 ○ Cirene
A3 ○ LIBYA
B2 ▫ Byzantium
B3 ○ CIPRUS
B4 ○ No-amon (Thebes)
C3 Palmyra (Tadmor)
C3 ○ Gerasa
C3 ○ Filadelfia
C3 ○ Jerusalem
C5 ○ Seyene
G2 • Alexandria Margiana
Ruta ni Alejandro
A2 ▪ MACEDONIA
A2 ▪ Pela
A2 ▫ TRACIA
B2 ▫ Troy
B2 ▫ Sardis
B2 ▫ Efeso
B2 ▫ Gordium
C2 ▫ Ankara
C3 • Tarso
C3 • Issus
C3 • Antioquia (sa Sirya)
C3 ○ Tiro
C4 ○ Gaza
B4 ○ EHIPTO
B4 ○ Memfis
B4 ○ Alejandria
A4 ○ Oasis ng Siwa
B4 ○ Memfis
C4 ○ Gaza
C3 ○ Tiro
C3 ○ Damasco
C3 • Aleppo
D3 • Nisibis
D3 • Gaugamela
D3 • Babilonya
E3 • Susan
E4 • PERSIA
E4 • Persepolis
E4 • Pasargadae
E3 • MEDIA
E3 • Ecbatana
E3 • Rhagae
E3 • Hecatompylos
F3 • PARTHIA
G3 • ARIA
G3 • Alexandria Areion
G3 • Alexandria Prophthasia
F4 • DRANGIANA
G4 • ARACHOSIA
G4 • Alexandria Arachosiorum
H3 • Kabul
G3 • Drapsaca
H3 • Alexandria Oxiana
G3 • Drapsaca
G3 • BACTRIA
G3 • Bactra
G2 • Derbent
G2 • SOGDIANA
G2 • Maracanda
G2 • Bukhara
G2 • Maracanda
H2 • Alexandria Eschate
G2 • Maracanda
G2 • Derbent
G3 • Bactra
G3 • BACTRIA
G3 • Drapsaca
H3 • Kabul
H3 • Taxila
H5 • INDIA
H4 • Alejandria
G4 • GEDROSIA
F4 • Pura
E4 • PERSIA
F4 • Alejandria
F4 • CARMANIA
E4 • Pasargadae
E4 • Persepolis
E3 • Susan
D3 • Babilonya
[Iba pang mga lokasyon]
A3 CRETE
D4 ARABIA
[Katubigan]
B3 Dagat Mediteraneo
C5 Dagat na Pula
E4 Gulpo ng Persia
G5 Dagat ng Arabia
[Mga ilog]
B4 Nilo
D3 Eufrates
D3 Tigris
G4 Indus
[Mapa sa pahina 27]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Imperyo ng Roma
A1 BRITANYA
A3 ESPANYA
B1 GERMANIA
B2 GAUL
B2 ITALYA
B2 Roma
B3 Cartago
C2 ILIRICO
C3 GRESYA
C3 Actium
C3 Cirene
D2 Byzantium (Constantinople)
D3 ASIA MINOR
D3 Efeso
D3 Aleppo
D3 Antioquia (sa Sirya)
D3 Damasco
D3 Gerasa (Jarash)
D3 Jerusalem
D3 Alejandria
D4 EHIPTO
[Katubigan]
A2 Karagatang Atlantiko
C3 Dagat Mediteraneo
D2 Dagat na Itim
D4 Dagat na Pula
[Larawan sa pahina 26]
Nang maitayong muli ang Raba, tinawag ito ni Ptolemy II na Filadelfia. Naroroon pa rin ang mga guho ng isang malaking dulaan ng mga Romano
[Larawan sa pahina 27]
Lunsod ng Decapolis na Gerasa (Jarash)
[Larawan sa pahina 27]
Ang mga daang Romano, gaya ng isang ito na malapit sa Aleppo, ay umabot hanggang Europa, Hilagang Aprika, at Gitnang Silangan. Sa mga daang ito naglakbay ang mga Kristiyano upang palaganapin ang katotohanan sa Bibliya