Introduksiyon sa Seksiyon 5
Dalawang buwan matapos tumawid sa Dagat na Pula, ang mga Israelita ay nakarating sa Bundok Sinai. Doon, si Jehova ay nakipagtipan, o nangako, sa Israel na sila’y magiging kaniyang espesyal na bansa. Iningatan niya sila at binigyan ng lahat ng kailangan nila—manna bilang pagkain, damit na hindi naluluma, at ligtas na tirahan. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na maintindihan kung bakit binigyan ni Jehova ang Israel ng Kautusan, ng tabernakulo, at ng mga saserdote. Idiin ang kahalagahan ng pagtupad sa pangako, pananatiling mapagpakumbaba, at pagiging laging tapat kay Jehova.