ANANIA
[Sinagot Ako ni Jah].
1. Ama ni Maaseias at lolo ni Azarias na tumulong kay Nehemias sa muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem.—Ne 3:23.
2. Isang lunsod na tinahanan ng mga miyembro ng tribo ni Benjamin pagkabalik mula sa pagkatapon. (Ne 11:32) Ipinapalagay na ito rin ang Betania (el-ʽAzariyeh [El ʽEizariya]) na 2.5 km (1.5 mi) sa STS ng Temple Mount sa Jerusalem.—Tingnan ang BETANIA Blg. 1.