BET-SEMITA
[Ng (Mula sa) Bet-semes].
Isa na naninirahan sa Bet-semes ng Juda. Ang terminong ito ay ikinapit kay Josue, ang may-ari ng bukid na hinintuan ng karwaheng nagdala sa kaban ng tipan mula sa mga Filisteo. Sa “isang malaking bato” sa bukid na iyon ipinatong ang kaban anupat nakalantad sa paningin ng mga naroroon.—1Sa 6:14, 18.