Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sorek, Agusang Libis ng”
  • Sorek, Agusang Libis ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sorek, Agusang Libis ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Bet-semes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Delaila
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Agusang Libis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Zora
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sorek, Agusang Libis ng”

SOREK, AGUSANG LIBIS NG

Sa lugar na ito nakatira si Delaila at dito nahikayat si Samson na isiwalat ang lihim ng kaniyang lakas, na naging dahilan upang siya’y mabihag, mabulag, at maibilanggo ng mga Filisteo. (Huk 16:4-21) Ipinapalagay na ito ay ang Wadi es-Sarar (Nahal Soreq), na bumabagtas nang pakanluran sa Sepela patungo sa Dagat Mediteraneo. Ang pangalang Sorek, na nangangahulugang “Piling Punong Ubas na Pula,” ay waring napanatili sa Khirbet Suriq, na mga 25 km (16 na mi) sa K ng Jerusalem, nasa H panig ng wadi at katapat ng Bet-semes. Gaya rin sa ngayon, ang kalakhang bahagi ng rehiyong ito ay malamang na bagay na bagay sa mga ubasan (isang posibleng dahilan kung bakit ganito ang pangalan nito). Maliwanag na binagtas ng karwahe ng mga Filisteo na nagsauli ng kaban ng tipan sa mga Israelita ang agusang libis ng Sorek mula sa Ekron sa daang patungo sa Bet-semes.​—1Sa 5:10; 6:10-12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share