CONANIAS
[Si Jehova ay Nagtatag Nang Matibay].
1. Ang Levitang nangangasiwa sa mga abuloy para sa paglilingkod sa templo noong panahon ng paghahari ni Hezekias.—2Cr 31:4, 12, 13.
2. Isang Levitang pinuno na kabilang sa mga bukas-palad na nag-abuloy ng mga tupa, mga kambing, at mga baka para sa pagdiriwang ng dakilang Paskuwa na idinaos noong ika-18 taon ng paghahari ni Josias.—2Cr 35:9, 19.