MAHAT
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “sindakin”].
1. Isang Kohatitang Levita at ninuno ni Samuel at ni Heman na mang-aawit sa bahay ni Jehova.—1Cr 6:31-35.
2. Isa sa mga Kohatitang Levita na tumulong sa paglilinis sa templo noong mga araw ni Haring Hezekias. (2Cr 29:12, 15, 16) Maliwanag na ang tao ring ito ay ginawang isang komisyonado sa ilalim ni Conanias at ni Simei na nangangasiwa sa ‘abuloy at sa ikasampu at sa mga banal na bagay’ sa templo.—2Cr 31:12, 13.