Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “En-dor”
  • En-dor

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • En-dor
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Kison, Agusang Libis ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sa Pananampalataya, Dinaig ni Barak ang Isang Malakas na Hukbo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Taanac
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sisera
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “En-dor”

EN-DOR

[posible, Bukal ng Salinlahi].

Isang kapatagang lunsod na nasa teritoryo ng Isacar ngunit iniatas sa Manases. Ang mga Canaanita roon ay hindi lubusang naitaboy ngunit isinailalim sa puwersahang pagtatrabaho. (Jos 17:11-13) Karaniwang ipinapalagay na ang En-dor ay ang Khirbet Safsafeh (Horvat Zafzafot), na mga 11 km (7 mi) sa TS ng Nazaret.

Sa Awit 83:9, 10, ang En-dor ay iniuugnay sa tagumpay ni Jehova laban kay Sisera. Bagaman hindi ito binanggit sa ulat ng pagbabaka sa Hukom kabanata 4 at 5, maliwanag na ito’y ilang milya lamang sa T ng Bundok Tabor, kung saan bumaba ang hukbo ni Barak. (Huk 4:6, 12) Matatagpuan din ito sa kalakhang rehiyon ng Taanac at Megido at ng agusang libis ng Kison, kung saan makahimalang pinagkagulo ang mga hukbo ni Sisera. (Jos 17:11; Huk 5:19) Kaya, maliwanag na ang pagbabaka ay umabot hanggang sa En-dor. At, yamang ang salmista ay may lubos na kabatiran sa mga detalye ng kasaysayan at heograpiya, masasabi niya na sa En-dor nilipol ang marami sa mga tumakas na Canaanita.

Higit na kilala ang En-dor bilang ang lugar na pinuntahan ni Haring Saul upang sumangguni sa isang “dalubhasang espiritista” bago natalo ang Israel sa mga kamay ng mga Filisteo.​—1Sa 28:7; 31:1-13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share