HORONAIM
[posible, Dalawang Butas [samakatuwid nga, mga yungib]].
Isang lugar sa Moab na kabilang sa mga pinagtuunan ng kahatulan ni Jehova. (Isa 15:1, 5; Jer 48:1, 3, 5, 34) Hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Gayunman, dahil sa posibleng kahulugan ng pangalang ito, walang-katiyakang iniuugnay ng ilan ang Horonaim sa el-ʽIraq (nangangahulugang “Yungib”), na nasa mga 490 m (1,600 piye) ang kababaan sa talampas ng Moab at mga 18 km (11 mi) sa S ng timugang dulo ng Dagat na Patay. Maaaring ang Horonaim din ang “Hauronen” na binanggit sa Batong Moabita na kinuha ni Mesa na hari ng Moab sa pagbabaka.