Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pulo, Isla”
  • Pulo, Isla

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulo, Isla
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Paglalakbay ni Pablo sa Roma at Unang Pagkabilanggo Niya Doon (Gaw 27:1–28:31)
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Ikatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 18:23–21:17) mga 52-56 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pentecostes 33 C.E. at ang Paglaganap ng Mabuting Balita
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Ilang Mahahalagang Pangyayari
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pulo, Isla”

PULO, ISLA

Ang terminong Hebreo ʼi (pangmaramihan, ʼi·yimʹ) ay hindi limitado sa isang kalupaan na mas maliit kaysa sa kontinente at lubusang napalilibutan ng tubig (Isa 11:11; 24:15) kundi tumutukoy rin sa tuyong lupa (Isa 42:15) o (mga) baybaying lupain. (Isa 20:6; 23:2, 6; Jer 2:10) Sa makasagisag na paraan, ang salitang ʼi ay kumakapit sa mga tumatahan sa gayong mga pulo o mga baybaying lupain. (Gen 10:5, tlb sa Rbi8; Isa 49:1, tlb sa Rbi8; 59:18, tlb sa Rbi8) Kung minsan, ang “mga pulo” ay kumakatawan sa pinakamalalayong lugar at sa mga tumatahan sa mga iyon. (Isa 41:5; 66:19; Eze 39:6; tingnan ang MAGOG Blg. 2.) Kaya naman walang anumang bagay na napakalayo o napakaliblib, tulad ng mga pulo sa dagat, na makatatakas sa mga epekto ng makasagisag na lindol sa Babilonyang Dakila. (Apo 16:18-21; ihambing ang Apo 6:12-14.) Sa pangmalas ni Jehova, ang lahat ng mga pulo ay “gaya lamang ng pinong alabok.”​—Isa 40:15.

Kabilang sa mga pulo na espesipikong binanggit sa Bibliya ay ang Ciprus (Gaw 13:4-6), Cos, Rodas (Gaw 21:1), Creta (Gaw 27:7), Cauda (Gaw 27:16), Malta (Gaw 28:1), at Patmos (Apo 1:9).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share