JEHIZKIAS
[nangangahulugang “Palakasin Nawa Ako ni Jehova; Pinalakas Ako ni Jehova”].
Isang nangungunang Efraimita na sumalansang sa ginawa ng Israel na pagbihag sa kanilang mga kapatid na mula sa timugang kaharian nang talunin ng mga Israelita sa ilalim ni Haring Peka ang Juda, at nagbigay rin ng materyal na tulong sa mga bihag. Si Jehizkias ay anak ni Salum.—2Cr 28:6, 8, 12-15.