JEHOHANAN
[Si Jehova ay Nagpakita ng Lingap; Si Jehova ay Nagmagandang-loob].
1. Isang Korahitang bantay ng pintuang-daan noong panahon ng paghahari ni David; ang ikaanim na anak ni Meselemias.—1Cr 26:1-3.
2. Isang pinuno ng hukbo sa ilalim ni Haring Jehosapat, na tuwirang nangangasiwa sa 280,000 lalaki ng Juda. (2Cr 17:12, 14-16) Posibleng siya rin ang Blg. 3.
3. Ama ng Ismael na nanindigang kasama ni Jehoiada at ng iba pang mga pinuno upang patalsikin sa puwesto si Athalia at ilagay si Jehoas sa trono ng Juda. (2Cr 23:1-3) Posibleng siya rin ang Blg. 2.
4. Isang Efraimita na ang anak na si Azarias ay isang lider sa tribong iyon noong mga 760 B.C.E., nang namamahala ang mga haring sina Ahaz ng Juda at Peka ng Israel.—2Cr 28:1, 6, 12.
5. Ulo ng makasaserdoteng sambahayan ni Amarias sa panig ng ama noong mga araw ni Joiakim na kahalili ng mataas na saserdoteng si Jesua.—Ne 12:10, 12, 13.
6. Anak ni Eliasib. Si Ezra ay pumunta sa bulwagang kainan ni Jehohanan sa templo upang magdalamhati dahil sa kawalang-katapatan ng bayan.—Ezr 10:6.
7. Isa sa apat na anak ni Bebai na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak noong mga araw ni Ezra.—Ezr 10:28, 44.
8. Anak ng kalaban ni Nehemias na si Tobia na Ammonita. Si Jehohanan ay nag-asawa ng isang babaing Israelita.—Ne 6:17-19.
9. Isang saserdote na nakapuwesto sa templo noong panahon ng pagpapasinaya sa muling-itinayong pader ng Jerusalem.—Ne 12:40-42.