SI JEHOVA MISMO AY NAROROON
Ang pananalitang ito ay salin ng Yehwahʹ Shamʹmah, na ikinapit sa lunsod na nakita ng propetang si Ezekiel sa kaniyang pangitain na nakaulat sa mga kabanatang 40 hanggang 48. (Eze 48:35) Ang lunsod sa pangitain ay inilarawan bilang parisukat (4,500 mahabang siko ang bawat gilid [2,331 m; 7,650 piye]) at may 12 pintuang-daan, na bawat isa ay may pangalan ng isa sa mga tribo ng Israel. (Eze 48:15, 16, 31-34) Ang lunsod sa pangitain ng hula ni Ezekiel ay magiging ukol sa “buong sambahayan ng Israel.” (Eze 45:6) Ang pangalang Jehova-Shamah, o “Si Jehova Mismo ay Naroroon,” ay tumutukoy sa makasagisag na pagkanaroroon ng Diyos gaya ng ipinahahayag sa ibang mga teksto, halimbawa ay sa Awit 46:5; 132:13, 14; Isaias 24:23; Joel 3:21; at Zacarias 2:10, 11. Sa mga talatang ito, si Jehova, na ‘sa langit ng mga langit ay hindi magkasya,’ ay tinukoy na para bang tumatahan sa isang lunsod o lugar sa lupa.—1Ha 8:27; tingnan din ang PINUNO.