PAGDUKOT NG TAO
Pag-agaw, pagtangay, at pagtatago sa isang tao nang labag sa kaniyang kalooban sa pamamagitan ng pagpuwersa, pandaraya, o pananakot. Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ang pagdukot ng tao ay isang krimen na may kaparusahang kamatayan. Kung nanakawin o dudukutin ng isang indibiduwal ang isang tao at ipagbibili ito, o kung masumpungang kasama niya ang dinukot, ang nandukot ay papatayin. (Exo 21:16; Deu 24:7) Bago ibinigay ang kautusang ito sa Israel, ang anak ni Jacob na si Jose, na ipinagbili sa pagkaalipin, ay naging biktima ng pagdukot. (Gen 37:27, 28; 40:15) Nang maglaon, pinangyari ng Diyos na ang pagdukot na ito ay maging isang pagpapala para kay Jose sa Ehipto, at pinatawad ni Jose ang kaniyang mga kapatid sa kanilang balakyot na ginawa.—Gen 45:4, 5.
Nang sumulat siya kay Timoteo, nagkomento ang apostol na si Pablo na “ang kautusan ay pinagtitibay, hindi para sa taong matuwid,” kundi para sa mga taong tampalasan, kabilang na rito ang mga nandurukot ng tao.—1Ti 1:8-11.