MITREDAT
[mula sa Persiano, nangangahulugang “Kaloob ni Mithra”].
1. Ang ingat-yaman ni Ciro. Sa utos ng hari, isinauli niya sa mga Israelita ang mga 5,400 kagamitang ginto at pilak ng templo upang maibalik sa Jerusalem.—Ezr 1:7, 8, 11.
2. Isa na sumalansang sa muling pagtatayo ng templo pagkaraan ng pagkatapon. Kabilang siya sa mga sumulat ng isang liham sa Persianong si Haring Artajerjes na doo’y may-kabulaanang inaakusahan ang mga Judio.—Ezr 4:7.